Hinoldup Ako Sa Post Office
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 09.26.2008 7:43 NH
Kainiiiisss!!! 
Sa mga panahong ito, maganda na nandyan si Mudra para asikasuhin ang mga bagay... Haaay...
Nakatanggap kase ako ng notice na meron daw akong parcel sa post office. Alam kong bumili ako sa Amazon ng ilang mga bagay pero sanay akong iniitsa na lang nila iyon sa aming gate. At tuwing natatanggap ang mga notice na iyan, "kinakausap" lang ni Mudra ang kartero para kunin ito para sa amin.
Dahil wala si Mudra at hindi ko kilala ang kartero, napilitan akong pumunta sa Post Office para kunin ito. Hinoldup akoh! Siningil ba naman ako ng P1181 at kung hindi raw ako magbabayad, "inabandona" ko raw ito at pwede nilang samsamin.
Hello! $29.94 binayad ko sa shipping. Baket hindi nyo hinatid?!?
Napababa ko ng P700 ang binayaran ko pero walang resibo. Alam nyo naman siguro kung ano'ng ibig sabihin non, daba?
Hmph! Mga tabatsoy na yon! Bwiset! Huhuhu... Ang sama ng loob koh! 
Paalala sa sarili:
- IMPORTANTE: Palaging magdala ng maliliit na bills sa pitaka. Lalo kang gagastos kung puro malalaking bills ang dala mo. Hindi mo naman pwedeng sabihing 500 lang ang pera mo kung puro 1000 ang dala mo.
- Hindi totoo ang halagang nasa papel. Hwag dumukot agad ng pera at hwag magalit. Pwede pang pag-usapan yan. Ngitian mo lang sila at ipakita na ang maliliit mong bills ang tangi mong pagmamay-ari at wala kang iba pang mapagkukunan ng pera kahit umuwi ka pa.
- Magmukhang kawawa. Iwasang magsuot ng mga alahas at mamahaling mga damit. Wala ka ngang mapipiga kahit umuwi ka, diba?
- Magdala rin ng barya. Kailangan mo ring hulugan ang mga taong tumulong sayong humanap ng parking at nag-trapik para makaalis ka.
Maging leksyon din sana ito sa inyo. Hanggang sa muli!
Pagbabago noong 9:52 ng gabi: Totoo na itoh. Hinoldup nga nila akoh! Tinanong ko si kapatid kung magkano binayad nya dati nung kinuha nya ang padala sa akin, sabi nya mga P100 lang daw at may resibo pa.
Sa palagay ko, kung hindi ako naging masyadong sabik na makuha yung binili ko sa Amazon at hinintay ang pagbabalik ni Mudra sa Lunes, mas nakatipid pa ako.
Haaay... Ang yaman ko talaga... Namimigay lang ako ng pera sa mga tavhachoy sa tabi-tabi... Nakuuuu... Mga Babaching na yon! Mabulok sana sila sa mainit na opisina nilang walang aircon! Hmph! 
Sun Cellular Reklamo--Nanaman
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 03.14.2008 3:01 NH
May isang tao nanamang naiinis sa masamang serbisyo ng Sun Cellular, isang cellphone service provider sa Pilipinas, at pinadalhan ako ng liham. Eto ang sabi nya...
nakakairita
hayzz.. anu ba problema ng suncellular ngaun..? aba..!! lagi nalang ako cut off.. kakaload ko lang mga ilang minuto lang wala na agad ako load... delay pa lagi mga message.. anu ba yan..? one time nagload ako kakapasok lang ng load then magsesend plang ako cut na agad..? sayang naman yung lagi namin niloload..!! sobrang importante kasi para makontak yung family, relatives & friends tapos ganyan..!! hayszzz... !!
kamusta naman yun huh..?!!
may pag asa pa bang maayos yan..?!
pakiaksyunan naman kaagad..
sobrang dme ng perwisyo.. hmf!
Dahil ako ay post-paid sa Sun Cellular, hindi ko alam ang tungkol sa mga problema ng mga prepaid users, Jhen. Nasubukan mo na bang tawagan o mag email sa Sun Cellular?
At, kung bawasan mo lang ng 232 characters ang iyong inemail sa akin, pwedeng pwede mong gamitin ang contact form ng Sun Cellular sa kanilang chaka web site. Hanggang 300 characters lang kase ang pwede nilang tanggaping mensahe.
Eniweys, kung sistema ng kanilang chaka web site, di nila maayos, ano pa kaya serbisyo nila? Sun Cellular, matagal ka na ngayon sa market. Mag upgrade nanaman kayo ng inyong sistema para may laban kayo sa ibah!
Sa ibang balita, grabeh! Amoy sabon tong katabi ko sa opisina. Nasobrahan ata sa Downy. Sakit sa ulo ng amoy...
Mga kaputakan, paalala lang po: Ang Downy, ginagamit yan pagbabanlaw para mawala ang sabon. Kaya dapat konti lang nilalagay nyo. Hindi dapat binababad sa Downy ang labada. Ok?
Alexa Rank: 147959.
Problema sa Hosting--Nanaman
[ 5 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.03.2007 8:32 NH
At kung napansin nyo, palaging may downtime ang mga web site ko. Ilang beses ko na ring pinaalam ito sa aking host.
Ang una nilang sinabi sa aken noong 04/20/2007 10:14:10 am:
[i]Hello Miko,
Sorry for the downtime.
We have rebooted the server this morning and is now back online.
Kindly get back to us if you are still encountering problems.
Regards,
Jason
plogHost Web Services[/i]
Sya nga pala, bago ako magpatuloy, nais ko nga palang iboto nyo ang Putak sa Blogger's Choice Awards. Kailangan nyong maging miyembro bago kayo makaboto. Kung meron din kayong mga blog, pwede nyo rin i-nomina ang mga ito don.
Itutuloy ang "Problema sa Hosting--Nanaman"...
Putak Sa Kategoriyang Reklamo
1 | 2 | 3 | Nakaraan »