Sa Likod Ng Blinding-Light.COM
[ 1 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.29.2006 2:14 NH
Mga bagay na hindi nyo alam tungkol sa Blinding-Light.COM...
Binili ko ang domain at hosting dahil wala akong magawa.
Isang araw, dahil sa kabagutan at pagkasabik sa domain name, naisipan ko na lang na bumili nito. Iniisip ko ng mga panahon na iyon, gusto ko, e di bibilhin ko. Binayaran ko lahat pati 1 taong hosting. Noong nabayaran ko na ang lahat at meron na akong domain at hosting, wala naman akong maisip na gawin dito.
Hindi naman talaga ako pala-imik (heheh, totoo) na tao kaya hindi ko iyon ginawang blog. Ang gusto ko talaga ay buhaying muli ang aking web site, [WAR] WebMasters' Anime Resource, pero syempre, hindi na bagay ang domain name doon. Kaya ang ginawa ko, e ni-recycle ang mga layouts na dati ko nang ginawa. Doon nagsimula ang Blinding-Light.COM.
Isa sa dahilan na ginawa ko ito ay para makapag-practice mag-code.
Dahil mangilan-ngilan lang ang mga libreng host na mayroong PHP at mySQL, naisipan kong doon na lang ako sa paid hosting para makapag-practice ako kung paano mag code. Learning by doing, ika nga.
Pampalipas ko ito ng panahon.
Tama. Ang pangunahing dahilan kung bakit ko iyon ginawa ay para aliwin ang sarili ko. Mabuti kung gusto ng mga tao ang mga pinaggagagawa ko sa aking site. Pero kung hindi, intindi ko namang you can't please everyone. Basta ako nasisiyahan sa mga ginagawa ko, at meron akong napagtutuunan ng pansin pag wala akong ginagawa, kontento na ako don.
Ang mga "updates" na dinadagdag ko ay matagal ko nang ginawa.
Sabi ko sa inyo, pampalipas ko lang iyon ng panahon. Kaya kung meron akong oras o inspirado ako o gusto ko lang, gumagawa ako ng mga layouts/brushes/templates/backgrounds o nagsusulat ng tutorial o nage-extract ng PNG. Pero hindi ko sila agad pino-post sa aking site. Minsan kasi hindi ko feel gumawa kaya iniipon ko lang sila at paisa-isa ako kung mag-post ng updates. Karamihan nga sa dinadagdag ko, ilang buwan na ang nakalilipas noong natapos ko silang gawin.
Kaya doon sa mga nag-aakalang napaka sipag ko dahil bawat linggo, nag-uupdate ako, haha. Ipagpatuloy nyo ang pag-iisip ng ganyan!
Ang Terms Of Use ay hindi ko mahigpit na pinapatupad.
Nandoon lang sila para sa pormalidad. Sa totoo lang, marami na akong pinalampas na tao na lumalabag sa aking Terms Of Use. Hindi ko na lang sila pinapansin. Hinahayaan ko na lang na karmahin sila. Sakit lang ng ulo kung aawayin ko pa sila e.

Blinding Light MB
[ 2 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.07.2006 4:50 NH
Nananawagan ako sa aking mga kabayan na tulungan ako sa pag test ng aking message board sa Blinding-Light.COM. Meron pa tayong sariling forum don para makapag-Tagalog tayo. Sosyal, diba? Heheh.
Doon sa mga interisado, magkomento lang kayo sa post na ito. Ang mga mapipili para tumulong sa akin ay bibigyan ko ng URL sa message board na sinasabi ko. Punta lang kayo doon at mag-register at tingnan kung gumagana ito at sabihin sa akin kung may mali akong ginawa. Meron din kayong karapatang humingi sa akin ng custom user title na hanggan 14 letra ang haba.
Salamat nga pala sa mga sumusulat sa akin (ikaw 'yon, Raffy ng Quezon City). Nakakataba ng puso na meron pala akong naaaliw kahit papaano. At doon din sa nagbahagi sa akin ng kaniyang naranasan sa Sun Cellular. Grabeh na talaga ang kapalpakan nilah! Magtayo tayo ng I Hate Sun Cellular Club!
Pasensya na kung hindi ako gaanong nakakaputak dahil ako ay isang busy na tao. Etchos! Heheh
Hanggang sa muli!

Kategoriya Dinagdag
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 03.06.2006 4:44 NH
Sabi ko nga dati may balak akong maglagay ng mga kategoriya dito sa Putak. Sa wakas, nangyari na ito. Makikita nyo ang mga ito sa inyong kaliwa. Mahahalata nyo rin na wala nang mga ? at & ang mga URL dito. Ginawa ko iyon para maging search engine-friendly ang site na ito.
Sa ngayon, gumagawa ako ng paraan para pataasin ang seguridad ng aking mga web site. Alam nyo bang na-hack ang message board ng Blinding-Light.COM? May nakialam sa mga database nito. Ok lang naman dahil wala masyadong tao ang nag-register doon. Susubukan kong hindi na gumamit ng mga open-source na script. Diyan nagsisimula ang mga hackers na iyan e. Kaya ngayon, wala munang message board ang Blinding-Light.COM.
Hindi ko pa sigurado kung papalitan ko iyon ng sarili ko... Iniisip ko pa lang kung paano gawin, napapagod na ako. Hay... Tingnan na lang natin...
At, alam nyo ba, nagkaroon ako ng kliyente. Tunay na tunay siya. Hindi kagaya nung dating Mama na pinabili lang ako ng domain niya at hindi na ako hinagilap pagkatapos noon.
Yung ngayon, nagbayad na siya ng buo. Yung kabuuang binayad niya sa akin ay $35 na Amazon gift certificates. Nagastos ko na nga e. Bwahahahah! Meron din kasi akong $5 mula noon doon sa isa pang Mama na bumili ng advertising space sa Blinding-Light.COM. So mga $40 ang mga gift certificate ko sa Amazon.
Nagastos ko na nga ang mga $13.47 noon dahil bumili ako ng DVD ng What Dreams May Come. Katangahan ko nga e pina-ship ko dito sa Pilipinas kesa sa mga kamag-anak namin sa States. Meron pa namang uuwi sa kanila dito ngayong Marso. E di sa ika-12-27 pa ng Abril ko makukuha iyon. Sinubukan kong i-cancel ito pero hindi na raw pwede dahil nire-ready na raw nila ito para i-ship. Hay... Mas nakatipid pa sana ako sa shipping... Kung sabagay, buti nakaranas akong magpa-ship dito, daba?
Hay, nako. Hindi man lang ako masyadong pinagpawisan pero nakakita ako ng ganoong halaga. Ang saya, diba? Hehe