Seguridad

[ 2 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 09.28.2005 12:39 NU
Noong mga nakaraang araw, sinisigurado kong ligtas ang coding ng aking mga web site. Mayroon kasing taong lumagda sa guestbook ng Blinding-Light.COM at ito ang kanyang sinabi...
javascript:alert('hacked by BARRACUDA')

Hindi 'ata niya alam na hindi pwedeng maglagay ng kahit anong code doon. Hmph! Pero siyempre, kinabahan pa rin ako. Paano nga ba kung na-hack talaga ang aking web site?!? Ayaw ko nang isipin! Ayaw ko ring sabihin ang mga plano ko kung paano ko tungkol dito. Basta! Isa itong sikretong malufet!

Sa ibang balita, paalala lang sa mga bisita ng PUTAK (kung meron man): Ang domain na putak.info ay mage-expire na sa katapusan ng Septyembre. Makakapunta pa rin kayo dito gamit ang URL na ito http://putak.blinding-light.com.

Yun lang. Paalam!

Blinding Light Web Awards

[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.06.2005 4:54 NH
Kung hindi ninyo alam, ako ang nagmamay-ari ng Blinding-Light.COM. Bawat taon, pinagdiriwang ko ang anibersaryo nito sa pamamagitan ng pagdaos ng Blinding Light Web Awards. Inaanyayahan ko kayong lahat na sumali sa paligsahan na ito. Pwede ninyong ipasok ang inyong mga web site hanggang ika-30 ng Oktubre. Ang botohan ay magaganap sa ika-2-30 ng Nobyembre. Ipapaalam ang mga nanalo sa ikalawang anibersaryo ng Blinding-Light.COM sa ika-2 ng Disyembre.

Pinakikiusapan ko kayong lahat na sumali. Kung hindi man, pwede nyo ring ipagsabi ito sa ibang mga kakilala ninyo na interisado. Maari lang sumali ang mga web site na sinulat sa Ingles dahil ito ang lenggwaheng naiintindihan ng karamihang tao.

Punta na lang kayo sa Blinding Light Web Awards para sa ibang impormasyon. Salamat!

Sa ibang balita, nagtataka ba kayo kung anong itsura ng mga pagmumukha naming mga Putakers? Hehe. Ito ang litrato namin ni Tim:

Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog


Napaka ganda naming mga nilalang hindi ba? Smiley: Puts thumb up. Magpapakita pa ako ng iba pang mga litrato pag nakahanap ako. Hanggang sa muli!

Pagbabago

[ 1 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.04.2005 1:39 NH
Marami akong na-recode dito sa PUTAK. Ang HTML ay disabled na at enabled ang BB codes. May kaunti ring nagbago sa disenyo. Gusto ko pang mag-implement ng iba pang features dito pero sa ngayon, ito lang ang aking nagawa. Ako ay hindi pa hasa sa PHP at mySQL kaya nahihirapan pa akong gawin ang mga plano ko dito.

Ang domain na putak.info ay mage-expire na sa ika-30 ng Septyembre taong 2005. Wala akong pera para i-renew ito kaya simula ngayon, masanay na kayong pumunta sa PUTAK gamit ang address na ito:

http://putak.blinding-light.com

Bago ko nga pala makalimutan, mayroong bagong disenyo ang Blinding-Light.COM. Punta kayo doon para makita ninyo Smiley: Puts thumb up.

Putak Sa Kategoriyang Teknikal

« Bumalik | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | Nakaraan »