.INFO Magnanakaw Ng Katauhan

[ 1 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 10.15.2004 11:26 NH
'Nak ng! Tingnan nyo ito: http://whois.sc/self-destruct.info

Ako ang naka rehistrong pangalan diyan at teka nga pala, mukhang numero at email ko rin ang nakalista a! Pero tanungin nyo ako kung ako ang nagmamay-ari ng domain na self-destruct.info. Ang sagot: HINDE!

Nakakainis talagah!!! Smiley: Blowing up in anger. Basahin na lang ang thread na ito at ito pa para sa mga detalye. Ano pa ba ang silbi ng "Privacy Policy" kung hindi rin sinusunod ng mga domain registrants?!?

Bukas na bukas rin ay ma-email nga ang NameCheap at matanong kung baket sobrang kapal ng pagmumukha nilang i-register ang self-destruct.info gamit ang personal kong impormasyon ng walang paalam!!! Grrr...Smiley: Mad.

PUTAK.INFO

[ 1 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 10.01.2004 2:34 NU
Noong Septyembre, muntik ko nang maubos ang bandwidth ng Blinding-Light.COM kaya naisipan kong ilipat ang PUTAK para lumuwag naman kahit papaano doon. Tutal, mas marami namang space at bandwidth dito sa Self-Destruct.NET (kung saan meron akong reseller account).

Nag sale kasi ng .info domain names nung nakaraang buwan sa DomainDiscount24 kaya kumuha na rin ako ng .info na domain.

Paalala sa lahat, baguhin nyo na ang inyong mga bookmark. Lumipat na ang PUTAK sa: http://putak.info

Yun lang. Hanggang sa muli! Paalam! Smiley: Wink.

Putak Sa Kategoriyang Teknikal

« Bumalik | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 |