SEMCON 2007
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 10.11.2007 9:25 NU
Sumali ako sa SEMCON o Search Engine Marketing Conference nung nakaraang Martes at Miyerkules kasama ng aking boss na si Mr. Miguel Cuneta. At siyempre special mention pa sya. Sponsor ko sa conference e. Hello, Mr. Miguel Cuneta! 
Anyways, ayos din naman yung Search Engine Marketing Conference (SEMCON). Siguro magbibigay ako ng mas maraming detalye pag nagka panahon ako. Long weekend ngayon. Kung tutuusin, 2 araw lang ako nagtrabaho. Ang saya ng linggo ko. Heheh.
Yun lang naman ang gusto kong sabihin. Nagpapasalamat ako kay Ginoong Miguel Cuneta dahil nakalibre ako ng P8,500 sa SEMCON 2007.
Hanggang sa muli!
Dahil Sinabi Kong...
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.11.2007 2:35 NU
Dahil nag press release ako kanina na ipuputak ko ito, maraming maraming salamat kay Ginoong Dino Latoga sa panlibre ng sangkatutak na nachos, french fries, mani at nagpainom ng Long Island sa akin mga ilang oras na ang nakaraan. Sa wakas, nakapag night life ako sa Ortigas dahil sa kanya. Heheheheh.
Kakauwi ko nga kani-kanina lang. Salamat din kay Selzki, Babsi, at iba pa na nanigurong makakasakay ako ng matiwasay. Buhay pa naman ako para pumutak ngayon. 
Ayun, mukhang sisikat na ang araw. Makatulog na nga... 
Alexa Rank: 143706.
Pano ka Mambara?
[ 3 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.09.2007 9:31 NH
Tingnan nga naten... Ano'ng sasabihin mo pag may nagsabi sayo...
Ang arte mo!
Ngayon mo lang nalaman? Di ka rin slow noh?
Mas matalino naman ako sayo!
Baket? Libre ba tuition mo?
Crush ako ng crush mo!
E di maglampungan na kayo.
Ang bobo mo pala sa math!
Magaling naman akong mag Ingles!
Bilisan mo naman!
Maghintay kah!!!
Ang taray mo!
Hindi masyado.
Gusto mo ng away?
Ako ba ginagalit moh? Baka gusto mong magkaron ng basag na ilong. Kaya kong gawin yon. Naggygym akoh!
Takot ka ata sakin eh?
Kahit sino naman matatakot sa pagmumukha mo e.
Mas mahal niya ko!
Sinabi ba nya yon?!? Sabihin mong sabihin nya sa aken!
Ang bababa na naman ng mga grades mo!
Pasado naman! Hmph! 
Itutuloy ang "Pano ka Mambara?"...