Para Kay Chucky
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.10.2007 11:17 NH
Para di ko makalimutan ang ating takdang aralin, ipuputak ko na lang sya. Eto na ang mga pinapahanap mo. Nalaman ko na ang kahulugan nila:
Bungol.
Binge. Isa itong dialect sa Mindanao. Tama bah?
CHIMES.
Common good, Honesty, Integrity, Meritocracy, and Excellence. Lahat ng mga taga La Salle dapat alam iyan noh!
Haaay... Ayan. Ang saket ng katawan koh! Huhuhu... Si Chucky kase e. Ang hilig pagawin ako ng back exercise. E ayaw ko ngang maging maskulado likod ko. Hmph! Ang sakeeet!!! 
Tapos, nalaman kong nag resign na pala si Mr. Bright. Kakalungkot. Wala nang maningning na tao sa gym... 
Alexa Rank: 159791.
UAAP, Selosa, Atbp.
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.07.2007 12:59 NU
Ahahahah! Nakakatuwa talaga itong friendlalush kong si Sean. Heheh. Dami kong nasasagap na tsismis. Kagaya na lang neto...
Si M na naging kaklase ko nung elementary hanggang kolehiyo (walang biro, sinusundan nya talaga akoh) at medyo nagkaron ako ng crush nung bata pa kame (medyo lang, meron na kasi akong ibang friendlalush na nagkakagusto sa kanya kaya sya ay off-limits) ay meron na palang asawa at anak. At, ang nanay ng anak nya ay meron pang isang anak sa ibang lalake. Heheheh. Haaay... Wala ako ma say!
At meron din daw kameng naging kaklase na napatalsik sa UST School of Law at lumipat sa Arellano. Kakagulat. Sinong mag aakalang isa sa amin ay mapupunta ron?!?
Simula na pala ng UAAP season mamaya. Ang mabait kong kaibigan na si Sean ay niyaya ako na manood noong Miyerkules dahil may patron seat daw syang naka reserba. Pinag paalam pa nya sa kanyang jowa na isasama raw nya ako. Jowa nya kase may trabaho at hindi naman sya talaga graduate ng school na kasama sa UAAP. Tama ba yun? Di ko pa sinabing makakasama ako, pinagpaalam agad? Pasensya pero may prior commitment ako at hindi makakasama.
Ang girlalush naman, nataranta raw. Bigla ba naman nagselos at sinabing si BB (yung "best buddy" ko) na lang daw ang isama. E 2 lang ang ticket ni Sean at di raw papayag ang BB kung di kasama asawa nya. Ang girlash naman, bumigay at sya na lang daw ang sasama kahit may trabaho sya. Ahahahahah! Kakatuwa. Siguro yung Sean na iyon, ginagamit lang ako para mapa oo yung jowa nya na sumama sa kanya. 
Eto pa, nag break-breakan sila nung Huwebes. Kinuwento sa akin na sinabi raw nya na ako na isasama sa Sabado (ngayon). Panic galore daw naman ang jowa at nakipag balikan din. Di mo maintindihan dalawang yun... Heheheh. Ginamit nanaman akoh! Sabi na ngang di ako makakasama e! Hahahah! Pero syempre di alam yun ng girl noh! Style talaga ng Sean na yon... 
Haaay... Antok na ako. May date pa pala ako mamaya with Bart. Babush 
Paalala: Simula ngayon, ililista ko na ang naging Alexa rank ng web site ko. Sa ngayon, sya ay nasa 161591. Yay! Bumababa nah!
Sa Mga Panahong Ito...
[ 1 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.29.2007 9:07 NU
Parang ang sarap tumira sa States... Haaay... Meron kasing Golf Clearance Sale ang Amazon at parang ang dami kong gustong bilhin. Kagaya na lang ng mga ito...
Callaway Golf Wheeled 37" Dual Compartment Duffle Bag
Heheheh. Mahilig lang talaga ako sa malalaking mga bagella na may sariling lalagyan ng sapatos. Pwede ko pang gamitin ito pag maglalayas ako 
Nike Sera Womens Sunglasses, EV0142-610, Translucent Pro Red Frame/ Gray Lenses
Taray! Mumu (ang tawag namin ni Pudra sa shades) na Nike ang tatak.
CALLAWAY GOLF- LADIES BIG BERTHA 10° TITANIUM DRIVER
Kailangan talagang all-caps ang titulo ng item? Sa kasalukuyan kase, yung lumang driver ni Pudra ang gamit ko. Ayaw ko nang gumamit ng pang lalaking driver. Gusto ko ng driver for the ladies like me. Nyahahahah!
TaylorMade R5 Dual D Driver (Mens, Right-Handed)
Pangregalo ko kay Pudra. Callaway gamit nya ngayon e. Gusto kong magka TaylorMade golf driver din sya.
Nike Exhale.R Shield Sunglasses, EV0263-108, Pearl White-Mint/ Olive Lens/ Bronze Flash
Bibigay ko rin sana kay Pudra. Meron kayang pula? Para may terno kaming Nike na mumu. Heheheh 
New 2007 Inferno Complete Lady Golf Club Set with Stand Bag
Never heard ko pa ang brand na ito pero mukha namang maayos. Sayang nga lang at hindi kasama ang payong. Gustong gusto ko pa namang mangolekta ng golf umbrellas.
Callaway Golf Laptop Computer Brief 23061
Madalas kase, pag nago-golf kami ni Pudra sa bundok ng Laguna, dinadala ko ang aking laptop sa ibang bagella. Kung meron akong ganito, e di isang bag lang ang dadalhin ko.
Haaay... Sana naman, mag deliver na ang Amazon sa Pilipinas ng ganitong mga bagay. Puro audio CD, DVD at libro lang kasi yung shini-ship nila dito sa ating bansa e. Di ba nila alam na mas kikita sila kung lahat pwede nilang i-ship. Maraming mayayaman sa Pilipinas na can afford at maluho noh!
Yun lang, hanggang sa muli!!! Ay, binabati ko nga pala si Apple. Sinong suplada, hah?!?