Amazon Gold Box
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.07.2007 4:15 NH
Ilan sa mga web site na madalas kong bisitahin ang Amazon. Nahilig kasi ako sa online shopping. Siyempre, hindi kumpleto ang pagpunta ko don kung hindi ko bibisitahin ang mga sale nila sa kanilang Gold Box.
Eto talaga ang pinakamaganda at nakakatuwang deal of the day ng Amazon. Iba talagah! Basahin nyo ang mga komento para maaliw din kayoh! 
Kung hindi nga lang mga libro, DVD o audio CD ang pinapadala sa Pilipinas ng Amazon, malamang, bumili na ako nyang napakagandang pangregalo na iyan! Nyahahahahah! 
Vector Koh
[ 2 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.30.2007 11:08 NH
Yey! Natapos na ni fatfinguR ang aking vector. Eto na sya:

Ang taray, dabah? Yung katabing litrato ang orihinal. Salamat kay fatfinguR! Eto ang post nya tungkol sa vector ko. At isang oras lang ginawa hah! Iba talaga ang mga magagaling! 
Ayan. Sa mga gustong makakita kung anong hitsura ko. Pwedeng pwede nyo nang okrayin! Binabati ko rin si Sean na nagbigay sa akin ng sando na suot ko sa litratong iyon. 
Sya nga pala. Sa mga taong merong web site na dinisenyo gamit ang CSS, isumite nyo ang mga ito sa CSS Pinoy at ipagmalaki ang inyong talento! Isa rin ito sa mga proyekto ni fatfinguR.
Sa ibang balita naman, sa wakas, sumali na ako sa Fitness First. Nainggit kase ako kay Blitzwing kaya nakisama na rin ako. Heheheh. Magsisimula na ako sa Biyernes. Kita kita na lang tayo don.
Pfan Meyl
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.12.2007 6:49 NH
Nyaharharharhar! Lubos kong ikinagagalak na nakatanggap nanaman ako ng fan mail mula sa isang mambabasa ng Putak! 
Huhuhu... Nung una, di ko inaakalang meron talagang magbabasa ng mga pinagpupuputak dito. Paano ba naman kase, halos lahat ng mga bumibisita rito ay galing sa Google at nagse-search ng "filipina hubad"... Haaay! Binabati ko kayong lahat na tunay nag nagbabasa ng Putak!
Espesyal na pagbati para kina:
Raffy ng Quezon City
SHEN ng cavite,quezon city at marami pang iba
cath
Rommel Castillo
Maraming salamat sa inyong lahat! Pasensya na kung medyo matagal ako mag-reply. Mahiyain kasi ako... Heheheheh 
Makipag kwentuhan na lang kayo sa akin minsan. At doon sa mga gustong makipag Friendster sa akin, paki sulatan muna ako para malaman kong meron akong friend request at makapag login ako sa aking account para madagdag ko kayo.
Sya nga pala, kung wala pa kayong naiisip na party list na iboboto ngayong 2007 eleksyon, iboto nyo ang AGHAM (Alyansa ng mga Grupong Haligi ng Agham at Teknolohiya para sa Mamamayan). Siyensya para sa masa! Bumoto po tayo ng matiwasay at iboto natin ang makakatulong sa ating bansa!
Kung meron din kayong web site na dinisenyo gamit ang CSS, maaari nyo itong isumite sa CSS Pinoy at ipagmalaki ang inyong talento! Hanggang sa muli!
Pagbabago noong ika-18 ng Pebrero 8:00 ng umaga: Binabati ko si Mae na nag tag sa akin at si diLan muLi na sumulat din sa akin 