Kaunting Pagbabago
[ 1 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.26.2006 10:15 NH
Kung mahahalata ninyo, lumapad ang Putak. Masyado kasi akong naliliitan sa dating ayos ng site na ito e. Iniisip ko rin na palakihin ang mga font pero saka na lang.
Tinagalog ko rin lahat ng links sa Putak. O, diba. Pilipinong-Pilipino ang dating 
At ngayon, meron lang kayong 1 buwan para makapag-komento sa mga pinutak. Kung lampas na isang buwan, hindi na pwede. Dahil kalalagay ko pa lang ng feature na iyon, pwede pa rin kayong magkomento sa mga lumang putak.
Maiba naman tayo. Kanina, inutusan ako ni Mudra na magbayad ng bills para sa credit card ni Pudra. Habang nakapila, binasa ko ang statement at nalaman kong ginamit ni Blitzwing ang kanyang credit card (binigyan kami ng extension ni Pudra) para bayaran ang kanyang membership sa Fitness First.
Ano ba 'yan! Nahihiya akong gamitin ang credit card ko para i-renew ang Self-Destruct.NET pero ito si bradear (brother dear) ginagamit iyon para lang sa pagpapa-gym. Hmph! I-renew ko na nga lang kaya yung SD gamit yung credit card ni Pudra. Heheh 
Sa ibang istorya, may kinaiinisan akong babaeh! Sobrang inis!!! 
Pinagbintangan ba naman akong bastos (rude), nasty at backstabber. Pasensya na. Hindi ko alam ang Tagalog ng 2 iyon. Galit pa rin ako hanggang ngayon kaya magpapa-kalma muna ako bago ko ikwento.
Nagalit din ako sa aking host kahapon. Paano ba naman kase, nung nag-login ako sa cPanel at pumunta sa phpMyAdmin, nakita ko sa listahan ng mga database lahat ng mga kliyente ng host ko. Inisip ko naman, pag nakikita ko ang sa kanila, nakikita rin nila yung sa akin.
Siyempre, paranoid ako, bigla kong naisip na incompetent sila at hindi secure ang kanilang serbisyo.
Itutuloy ang "Kaunting Pagbabago"...
0902
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 09.02.2005 3:41 NH
Maligayang bati, Blitzwing!!! 
AP
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.07.2005 8:41 NH
Bisitahin ninyo:
Absolutely Precious
Absolutely Precious
Absolutely Precious
Isa itong elite web directory. Ang disenyo nito ay pinapakita ang isang napakasikat na artista. Ang ganda, diba? Kung meron kayong mga web site, ilista nyo ito rito.