Kaunting Pagbabago
[ 3 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.01.2005 7:03 NU
Nandito nanaman ako. Dahil kasi nauuso ang pag-validate ng mga HTML at CSS code, naisipan kong i-validate and PUTAK. Hay nako, wala lang talaga ako magawa. Gumagana naman ito sa lahat ng mga browser na nakita ko, e gusto ko pa ring i-validate.
Kung mahahalata rin ninyo, medyo nagbago ang titulo sa itaas. Sa tingin ko, mas ampok ito ngayon sa mga layunin ng site na ito. Kung hindi ninyo alam ang itsura nung nakaraang larawan, mabuti naman dahil ayaw ko na siya maalala.
Ako nga pala ay magre-resign na sa aking trabaho. Magpapadagdag ako sa unemployment rate simula May 22, 2005. Tulungan ninyo ako sa mga panahong wala na akong trabaho sa pamamagitan ng pag-click sa ads na nasa Blinding-Light.COM (pwede rin kayong bumili ng ad space doon) at Self-Destruct.NET. Maraming salamat!
May ikukwento nga pala ako tungkol sa resignation na ito pero ako'y napapagod na. Hanggang sa muli!
Naglipat
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.21.2004 8:06 NU
Para sa mga nakahalata at sa mga hindi nakahalata, kani-kanina lang ay hindi gumagana ang PUTAK dahil sa dahilang lumipat nanaman ako ng server. In-upgrade ko kasi ang hosting plan ng Blinding-Light.COM sa isang reseller plan kaya bumalik ako dito.
Nililipat ko rin ang iba ko pang mga web site pero natatagalan dahil hindi rin naman ganoon kabilis ang koneksyon ko sa internet at sayang lang sa oras.
Parang impraktikal kung meron akong 2 reseller plan na babayaran. Kaya mukhang maka-cancel ko ang hosting plan ng kasalukuyang host ng Self-Destruct.NET. Bayad pa naman ako hanggang Disyembre 22 kaya may panahon pa akong maglipat.
Bisitahin nyo nga pala ang Experiment Orange. Hindi ito sa akin pero isa ako sa mga manunulat. Isa itong web site tungkol sa satire (pasensya at hindi ko alam ang tagalog nito).
Ako'y marami pang gagawin kaya hanggang dito na lang muna.
Senyales
[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 09.08.2004 7:12 NU
Ng ano? Senyales na ayaw mo na sa iyong trabaho... Kailangan ko pa bang ilista? Natural! Kaya nga ako nag post ngayon e! Ano nga ba sila...?
Petiks mode. Lagi kang nagpapahinga sa trabaho. Hindi mo naman schedule para mag break, nagbe-break ka. Gumagawa ka ng sarili mong schedule.
Ok na 'yan! Bara bara mo na lang ginagawa ang iyong tungkulin. Para sa iyo, basta naintindihan at nagawa mo naman, ayos na iyon. Hindi ka na nag "go the extra mile" at wala ka na pake kung di pulido gawa mo. Nagawa mo na. Tapos.
Revealing password. Yung ginagamit mong password para mabuksan ang PC mo sa opisina sounds like: y0k0nad2, HellH3re, epltdSUCKS, etc.
SL shortage. Bawat linggo ba ay absent ka? Hindi ba lumalampas ang isang bwan na wala kang absent? Sikat ka na ba sa clinic ninyo at lagi ka nilang nakikita sa kanilang opisina para kumuha ng medical certificate? Naubos mo na ba ang iyong mga sick leave bago pa man matapos ang taon?
DOLE report. Pumupunta ka sa web site ng DOLE at nirereview mo ang batas at naghahanap ka talaga ng lahat ng kamalian ng kumpanyang pinagtatrabahuhan mo at umaasa kang balang araw mairereport mo sa DOLE ang mga pangaaping ginagawa sa iyo.
Sirain si Sup! Gumagawa ka ng paraan para masira ang katauhan ng iyong bisor. Mag ingat siya sa'yo dahil kapag kinukuha mo ang kanyang litrato, magtingin-tingin na siya sa mga porn site o di kaya sa mga site na merong Flash games. Malamang nandun na litrato niya.
Gumagawa ka ng listahan! Kailangan ko pa bang ipaliwanag?!?
Haaay... Kung 'di lang sa matinding pangangailangan... Sana, gumising na lang ako sa halimuyak ng pera bawat araw... Mabuhay ang manggagawang Pilipino!
Edit: Attention, PUTAKERS! Binago ko na ang Admin section natin. Pwede nyo nang baguhin ang 3 huling putak ninyo at ang inyong mga profile. Yun lang.