Intelektwal na Usapan Part 1

[ 3 Komento ] Pumutak si Tim noong 08.13.2004 10:06 NU

Ito ay aking isinusulat bilang pagpapatunay ng mga natatanging usapang intelektwal na kadalasang ginaganapan ng mga taong nakakasalamuha ko.

BABALA:
Ang mga usapan dito a intelektwal kaya basahin n'yo lang kung kaya n'yo intindihin

Mga Tauhan:

Piolo - tropa kong makulit at kalahati
Leo - si Apatot, na tropa ko din, may karamdaman sya nuon (almuranas) at payat din tulad ni Piolo
Lugar at PanahonBahay namin sa Talisay, katatapos lang ng Pasko taong 2003
Sitwasyon:Nung araw na iniwan si Leo ng misis n'ya.

Nang gabing iyon ay naisipan namin mag luto ng puspas (lugaw ito sa Maynila).

Piolo:Oi, kain na kayo!
Leo:Ayaw ko nag rereduce ako.
Piolo:Ano? Iniwan ka na ng asawa mo! May almuranas ka pa! Nag rereduce ka pa! Putang ng buhay iyan ah!!!!

Smiley: Grin. LOL

Klasik na Paul hehehe.



Ang Pagbabalik!

[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.03.2004 2:52 NH

Sa wakas! Nabuhay muli ang PUTAK at meron pang bagong disenyo. Hindi na ganoong "makulay" ngayon. Sana naman ay magustuhan ninyo.

Kasabay ng bagong disenyo ang bagong coding. Kaya nananawagan ako sa ibang mga Putakers na mag rehistro muli. Maraming nabago kaya tingnan nyo na lang kung ano sila Smiley: Wink.

Ako ay pagod na at halos 24 oras ko nang tinatrabaho ito. Magandang hapon sa inyong lahat!



Putak Sa Kategoriyang Wala Lang

« Bumalik | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 |