Sa Mga Panahong Ito...

[ 1 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.29.2007 9:07 NU
Parang ang sarap tumira sa States... Haaay... Meron kasing Golf Clearance Sale ang Amazon at parang ang dami kong gustong bilhin. Kagaya na lang ng mga ito...

Callaway Golf Wheeled 37" Dual Compartment Duffle Bag
Heheheh. Mahilig lang talaga ako sa malalaking mga bagella na may sariling lalagyan ng sapatos. Pwede ko pang gamitin ito pag maglalayas ako Smiley: Grin.

Nike Sera Womens Sunglasses, EV0142-610, Translucent Pro Red Frame/ Gray Lenses
Taray! Mumu (ang tawag namin ni Pudra sa shades) na Nike ang tatak.

CALLAWAY GOLF- LADIES BIG BERTHA 10° TITANIUM DRIVER
Kailangan talagang all-caps ang titulo ng item? Sa kasalukuyan kase, yung lumang driver ni Pudra ang gamit ko. Ayaw ko nang gumamit ng pang lalaking driver. Gusto ko ng driver for the ladies like me. Nyahahahah!

TaylorMade R5 Dual D Driver (Mens, Right-Handed)
Pangregalo ko kay Pudra. Callaway gamit nya ngayon e. Gusto kong magka TaylorMade golf driver din sya.

Nike Exhale.R Shield Sunglasses, EV0263-108, Pearl White-Mint/ Olive Lens/ Bronze Flash
Bibigay ko rin sana kay Pudra. Meron kayang pula? Para may terno kaming Nike na mumu. Heheheh Smiley: Grin.

New 2007 Inferno Complete Lady Golf Club Set with Stand Bag
Never heard ko pa ang brand na ito pero mukha namang maayos. Sayang nga lang at hindi kasama ang payong. Gustong gusto ko pa namang mangolekta ng golf umbrellas.

Callaway Golf Laptop Computer Brief 23061
Madalas kase, pag nago-golf kami ni Pudra sa bundok ng Laguna, dinadala ko ang aking laptop sa ibang bagella. Kung meron akong ganito, e di isang bag lang ang dadalhin ko.

Haaay... Sana naman, mag deliver na ang Amazon sa Pilipinas ng ganitong mga bagay. Puro audio CD, DVD at libro lang kasi yung shini-ship nila dito sa ating bansa e. Di ba nila alam na mas kikita sila kung lahat pwede nilang i-ship. Maraming mayayaman sa Pilipinas na can afford at maluho noh!

Yun lang, hanggang sa muli!!! Ay, binabati ko nga pala si Apple. Sinong suplada, hah?!?

Amazon Gold Box

[ 0 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.07.2007 4:15 NH
Ilan sa mga web site na madalas kong bisitahin ang Amazon. Nahilig kasi ako sa online shopping. Siyempre, hindi kumpleto ang pagpunta ko don kung hindi ko bibisitahin ang mga sale nila sa kanilang Gold Box.

Eto talaga ang pinakamaganda at nakakatuwang deal of the day ng Amazon. Iba talagah! Basahin nyo ang mga komento para maaliw din kayoh! Smiley: Grin.

Kung hindi nga lang mga libro, DVD o audio CD ang pinapadala sa Pilipinas ng Amazon, malamang, bumili na ako nyang napakagandang pangregalo na iyan! Nyahahahahah! Smiley: Laughing out loud.

Vector Koh

[ 2 Komento ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.30.2007 11:08 NH
Yey! Natapos na ni fatfinguR ang aking vector. Eto na sya:

Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog

Ang taray, dabah? Yung katabing litrato ang orihinal. Salamat kay fatfinguR! Eto ang post nya tungkol sa vector ko. At isang oras lang ginawa hah! Iba talaga ang mga magagaling! Smiley: Worship.

Ayan. Sa mga gustong makakita kung anong hitsura ko. Pwedeng pwede nyo nang okrayin! Binabati ko rin si Sean na nagbigay sa akin ng sando na suot ko sa litratong iyon. Smiley: Waving.

Sya nga pala. Sa mga taong merong web site na dinisenyo gamit ang CSS, isumite nyo ang mga ito sa CSS Pinoy at ipagmalaki ang inyong talento! Isa rin ito sa mga proyekto ni fatfinguR.

Sa ibang balita naman, sa wakas, sumali na ako sa Fitness First. Nainggit kase ako kay Blitzwing kaya nakisama na rin ako. Heheheh. Magsisimula na ako sa Biyernes. Kita kita na lang tayo don.

Putak Sa Kategoriyang Wala Lang

« Bumalik | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | Nakaraan »