Paalala sa Sarili...

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.27.2007 5:14 NH
Mag text kay Pudra kung uuwi ka na. Nag-aalala sya sa iyo at hindi mapalagay kung hindi natatanggap ang text mo (sa tingin ko lang yon). Heheheheh.

Sumama kay Sean sa isa sa mga game ng La Salle sa UAAP para makilala mo na rin sa wakas ang kanyang jowa. Piliting hwag mag gym ng isang araw para dito kahit ang katumbas non ay hindi mo makikita si Arvin ng isang linggo.

Tawagan si Sheng!!! Alam mo na yun!!! Walang hiya hiyah!!!

Idispatcha na si Rowell Rosell aka Chucky!!! Sukang suka ka na sa kanya. Ayaw mo na makita ang kanyang pagmumukha. Naiinis ka lang tuwing nakikita mo sya. Humingi ka na lang ng ibang trainer na hindi mukhang day-off, Elton/Barry, miyembro ng facilities o nambubugbog ng baklah.

At, pagkatapos ng iyong personal training program sa Fitness First, hwag ka nang kumuha ulet! Hwag ka nang kumuha ulet! Hwag ka nang kumuha ulet! Gets moh?!? Isa ito sa pinaka malagim na karanasang dinanas moh! Inapi ka ng husto ng iyong personal trainer at naging insecure ka sa sarili mo dahil sa kanya. Walang kwenta ang personal training sa Fitness First. Kita mo yun, underweight ka pero pinaramdam nya sayo na mataba kah!

Kumausap ng nutritionist sa Fitness First. Kasama ito sa iyong package. Sayang yun. Limandaang piso rin iyon.

Hindi dahil libre ay sama ka na ng sama at lamon ng lamon. May kapalit iyan! Kung ayaw mong tumanaw ng utang na loob at mapilitang gawin ang ayaw mo, tumanggi ka na lang sa inaalok nilah!

Magdala ng dental floss saan ka man pumunta. Isama mo sa lalagyan mo ng toothbrush at toothpaste.

Yun pa lang sa ngayon... Teka nga muna, baket ba ako nagsasalita sa ikatatlong pagkatao?

Maiba naman tayo... Binabati ko pala si Eina. Salamat sa pagkomento! Ang Ortigas, partikular na ang Ortigas Center, ay isang business district sa Pilipinas. Isipin mo na lang, Ayala Avenue ito ng Pasig.

Alexa Rank: 150258.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.