Nawala Parang Bula

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.28.2007 11:08 NU
Syet, syet, syet!!! Putang inaaaahh!!! Smiley: Blowing up in anger.

Nawalan ako ng peraaahh!!! Sobrang nakakainis. Akala ko pa naman, mas ligtas iyon kung iniiwan ko sa bahay pero hindeh!!! Meron pa ring makakati ang mga kamay na nakapagnakaw nitoh!!! Grrrr...

Iniwan ko kasi ang aking pitaka sa aparador ko. Hindi ako nagdadala ng malalaking halaga pag lumalabas ako ng bahay. Ano ako? Tungek? Naaamoy ng mga masasamang loob ang pera noh!

E kanina, habang inaayos ko ang aking gamit, naisipan kong tingnan ang aking pitaka. Abah, abah, abah! Wala na ang aking perah! At nawawala rin ang isa sa aking mga ATM. Kainiiiiisss!!!

Malaki ang suspetsa ko na yung labandera namen ang kumuha non. Mga $100 lang naman ang kinuha nya. Ang nakakapagtaka, baket hindi nya kinuha ang iba pang mga dolyares sa aking pitaka? Akala ba nya hindi ko mapapansing merong isang nawawala don?!? Hmph! Smiley: Snob.

Mukhang nagiging komportable na ang labanderang iyon dito hah. Lakas na ng loob nyang mangialam at kumuha ng gamit ng may gamit. Pati refridgerator namen, pinagdisketahan at kinain ang fried chicken na naiwan don nung isang beses kahit hindi naman sinabing kainin nya iyon dahil meron syang pagkaing nakalaan para sa kanya. Hmph!

Nung sinabi ko ito kay Mudra, pinagbintangan nya ang luma naming katulong na si Kalayana na isa nang pokpok sa Cavite ngayon. Imposibleng sya iyon dahil madalas kong tinitingnan ang aking pitaka at nandon pa ang aking pera nung lumayas sya. Si Mudra naman, sinabing sya na lang daw magbibigay sa akin ng pera katumbas non...

Huhuhu... Mudrah!!! Di mo ba gets?!? Akin nga yung perang iyon eh. Masakit at nawala sa akin!!! Kahit bigyan mo ako ng panibagong $100, maaalala ko pa rin ang aking nawalang $100 at iisiping, "Aaay... Pwedeng maging $200 ang pera ko (dahil nga binigyan ako ni Mudra ng karagdagang $100) pero $100 pa rin..." Huhuhu... Smiley: Crying.

Sa ibang balita, binabati ko si Miguel na nanlibre ng hapunan at nagbigay sa akin ng ride para makauwi kagabi. Salamat!

Alexa Rank: 150258.

Komento ni Angelique

Sinulat noong 07.28.2007 11:07 NH
Hayyy, ang hirap talaga kapag may labas-pasok sa iyong bahay... maaari ka talagang mawalan ng gamit! Ingat-ingat na lang, at aba, ang rich niyo naman.

Pero...

Nakakapanghinayang pa rin... 200 na sana iyon, noh?

Komento ni Haruka

Sinulat noong 08.03.2007 9:14 NU
naiintindihan kong sobrang galit ka sa nangyari. pero sana isipin mo muna yung mga sinasabi mo. Hindi magandang gumamit ng mga vulgar words sa internet, kahit na sarili mo pa itong website. yun lang. wag ka sanang magalit :P

Komento ni kupal

Sinulat noong 08.16.2007 2:29 NH
putangina, kung ayaw mo ng mura, sa disney ka pumunta! kung gusto nya magmura, wala ka pakialam dun dahil kanya to. hehehe

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.