Pano ka Mambara?

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.09.2007 9:31 NH
Tingnan nga naten... Ano'ng sasabihin mo pag may nagsabi sayo...

Ang arte mo!
Ngayon mo lang nalaman? Di ka rin slow noh?

Mas matalino naman ako sayo!
Baket? Libre ba tuition mo?

Crush ako ng crush mo!
E di maglampungan na kayo.

Ang bobo mo pala sa math!
Magaling naman akong mag Ingles!

Bilisan mo naman!
Maghintay kah!!!

Ang taray mo!
Hindi masyado.

Gusto mo ng away?
Ako ba ginagalit moh? Baka gusto mong magkaron ng basag na ilong. Kaya kong gawin yon. Naggygym akoh!

Takot ka ata sakin eh?
Kahit sino naman matatakot sa pagmumukha mo e.

Mas mahal niya ko!
Sinabi ba nya yon?!? Sabihin mong sabihin nya sa aken!

Ang bababa na naman ng mga grades mo!
Pasado naman! Hmph! Smiley: Snob.

E paano kung sinabi sayo ito ng crush mo...

Crush kita.
Hindi na ako nagtataka.

Hindi kita mahal.
Tinanong ba kita?

Mahal na kita.
Salamat.

Pakopya naman ng assignment.
Ayan! Kopya lang ng kopya. Kinopya ko rin yan e.

Crush ko yung friend mo.
Baket mo sinasabi sa aken? Mukha ba akong tulay?

Pwedeng patabi sa upuan?
Sure!

Pwede ba kitang isayaw?
Hindeh.

Feeling ko may crush ka sakin.
Di ka rin nagmamaganda, noh?

Ang cute mong mag-smile.
Thank you Smiley: Smile.

Bakit ang bait mo sakin?
Mabait lang talaga akoh.

E kung ang mga magulang mo ang nagsabi sayo nito...

Umuwi ka ng maaga.
Ok. Bye!

Buti pa yang kapatid mo ang sipag magaral.
Wala naman kase akong balak mag PhD eh.

Matulog ka ng maaga.
Ok.

Maglinis ka ng bahay, maghugas ka ng pinggan at magdilig ka ng halaman...
Eto ang pera. Tawagan mo si Digna, papuntahin mo dito at sya ang utusan mo. Mayaman tayo, Inay. Kumuha ka ng katulong.

Mag-aral ka ng mabuti ha?
Ok.

Nung kasing tanda mo ko ang baon ko piso lang!
E kelan pa ba yon? Nung panahon ng mga Hapon?

Dapat ganito ka, katulad niya.
Hindi ka pa ba kontento sa pagkagandaganda mong anak?

Pag sinabi kong hindi pwede, hindi pwede!
Sige.

Smiley: Laughing out loud. Ang mga tanong na ito ay unang pinost ni Oliver sa Bulletin Board ng Friendster. Naisipan ko lang na iputak ang mga isinagot ko.

Komento ni Lily

Sinulat noong 08.10.2007 10:08 NU
ngayon lang ako ulit nakadalaw.. marami akong trabaho at hindi na rin ako masyadong nagbblog.

natawa ako sa mga pambara ah!!! naiyak ako sa katatawa.

Komento ni Dino

Sinulat noong 08.29.2007 9:42 NU
Pambara? kapag barado ba ang ilong considered na pambara yung sipon? Yung lababo bumabara ba dahil sa sipon rin?

Kasi yung kanin na niluto ng nagsaing ay matigas kaya bumara sa lababo. Sabi nga ng aso, arf arf, pero ang pusa meow meow.

Kuting.

Hi Miko Reznor. Size 36 na ba yan? hehehe.

Komento ni Miko

Sinulat noong 08.30.2007 11:07 NU
LOL @ Dino. Ahahahahahah! Hindi naman. Mas malaki pa rin yung sa'yo Smiley: Laughing out loud.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.