Pag-Alala Kay Selzki

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.31.2007 5:53 NH
Huhuhu... Selzki!!! Wala na si Selzki sa mundo ng Orient Square, Ortigas!!! Huhuhu... Smiley: Crying.

Wala na akong kasabay sa tanghalian with matching ulam.
Wala na akong kachismisan.
Wala na akong ka-Y!M pag gusto kong manlibak.
Wala nang magpapadala sa akin ng links sa kakatuwa/kakaibang balita.
Wala na akong matatanong kung may katangahan ako sa direksyon papunta sa isang lugar.
Wala nang magpapaalala sa akin kung meron akong nakalimutang i-update.
Wala na ang aming Reyna Elena, ang orihinal na muse ng aming team.
Wala na ang writer of all walks of life and seasons.
Wala na ang aming North Star at araw.
Wala na si Selzki...

Huhuhu... Eto ang ilan sa mga iniwan nya sa akin: In memory of Selzki... Nagse-senti lang. Virgo kase ako. Naapektuhan ako ng lunar eclipse ayon sa mga astrologers...

Alexa Rank: 132048.

Komento ni selzki

Sinulat noong 09.01.2007 2:53 NH
Salamat Miko Smiley: Grin. touched ako...super!

Komento ni phpcurious

Sinulat noong 09.08.2007 3:52 NH
aba, virgo ka rin pala... advanced na lang ahehehe... (or delayed?? sorry ngayon lang ako nakakapagsubaybay sa iyong mahiwagang blog. ang ganda kasi ng mga topics mo.)

samantala, nasaan na si selzki ngayon?

Komento ni Miko

Sinulat noong 09.09.2007 7:18 NH
Hello sa inyo! Selzki!!! Salamat sa pag bisita Smiley: Grin.

Phpcurious, virgo ka rin? Kelan? Advance ako sa 16. Si Selzki ay humayo at tinatahak na ang mga pangarap nya sa buhay.

Komento ni phpcurious

Sinulat noong 09.19.2007 4:24 NH
ahehehe,

noong bumagsak ang world trade center noong limang taon nang nakalilipas ang aking bday.

so, pano na ang buhay natin ngayong wala si selzki? huhuhu...
namimiss ko na yung times na nakatrabaho ko sya.
mabait yang si selzki! walang biro. galing pa sa ingles!
(konting sipsep...)

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.