Hinagpis... Ang Drama Ko Talagah!

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 09.10.2007 12:14 NH
Eto nanaman ang mga drama ko. Pasensya na sa mga taong sawang sawa na sa aking ka-dramahan. Lalo na sa iyo, Ace, na sinabihan ako sa Y!M na dapat mas may kabuluhan ang aking blog... In short, walang kwenta raw ang blog ko. Maraming salamat sa iyong suportah! Sa susunod, tungkol sa world peace na ang tatalakayin ko.

Anyways, purgang purga na talaga ako at kailangan ko na itong mailabas...

Gusto kong mag gym. Gustong gusto kong mag gym. Gustong gustong gusto kong mag gym!!! Gets nyo nah?

Miyerkules ng nakaraang linggo, ang traffic! Balak ko pa namang maranasan ang Body Pump ni Arman ng 8:00 ng gabi at sinabihan ko pa si Cza na i-setup ako pero 8:05 na, nagbibiyahe pa rin ako at ang layo pa rin ng Southmall. Wala na akong aabutan non kaya di na lang ako nagpunta.

Nung Huwebes, ilang hakbang na lang ako at mararating ko na ang Fitness First Southmall, pero mukhang nag-iba ang ihip ng hangin. Grabeh! Naramdaman ko ang singaw ng daan-daang katao. OA naman ata ang numerong iyon so sabihin na nating humigit-kumulang 100 katao. Kinumpirma sa akin ng receptionist na sira nga raw ang aircon nila. Hindi na ako tumuloy. Wala akong balak magpawis sa mainit na gym! Smiley: Snob.

Sabado naman, nagising ako bago mag pilates. Nag alarm pa ako sa aking cellphone. Pero pagka bangon ko, ang sakit ng aking tuhod. Kinulang sa calcium. Paborito ko pa naman ang pilates. Nag press release pa ako kay Cza na pupunta ako kaya lang di kinaya ng powers ng tuhod ko. Huhuhu... Tagal ko nang di nakakapag pilates. Tuwing Sabado na nga lang ako nakaka attend nun, di pa nakapuntah!

Linggo, masakit pa rin ang tuhod ko pero nakatuloy ako sa Body Pump ni Arvin. Maayos namang mag Body Pump si Arvin pero hindi sya si Jon! Inhibited si Arvin at masyadong pa-poise di kagaya ni Jon na bigay na bigay magturo. Huhuhu... Miss ko na mga klase ni Jon!!!

Eto pa, may isang intrigero na sinasabing may crush daw ako kay Jon. Cute nga si Jon pero wala akong pagnanasa don noh! Di ko sya type. Mga type ko yung tipo ni Mr. Bright. Ipapakita ko sa inyo ang stolen shot na kinuha ko kaya lang di pa rin na-email sa akin ni Albert e. Gamit ko kasi camera nya nung mga panahong inii-stalk ko si Mr. Bright. Sya nga pala, ma text nga si Albert at ipaalala sa kanya na i-send na nya sa akin yon...

Nakita ko na nga pala ang maskuladong chest ni Mr. Bright. Aaaaahhh!!! Smiley: In love. Nilitratuhan ni Chucky gamit ang kanyang cellphone. Chucky talaga... Matagal na akong naghihinala don e. Picturan ba ang dibdib ng mga lalake... Hrmmmm... Suspicious...

Ayaw ko na rin sana ito i-mention kaya lang, parte rin ito ng aking mga hinagpis kaya sige nah. Hayaan nyo na akong sabihing sobra na talaga ang sama ng loob ko sa taong ito na walang pakundangan at sigarilyo ng sigarilyo sa opisina.

Galit ako sa usok ng sigarilyo. Na-trauma kasi ako dahil nagka-TB ako at wala pang isang taon ang nakakalipas nung gumaling ako sa wakas. Tuwing nalalanghap ko ang amoy na ito, dalawa lang ang nararamdaman ko: matinding pagka irita o matinding depression. Siguro dahil dito, saka ko naisipang iputak ito ngayon. Huhuhu... Leche! Smiley: Mad.

Gusto kong magpa rebond. Gusto kong magpa rebond bago ang aking kaarawan. Meron akong pera para magpa rebond. Wala akong panahon para magpa rebond. Mga 8:00 ng gabi na ako nakakauwi sa Las Pinas tuwing weekdays. 9:00 ng gabi nagsasara ang Southmall. Sa tingin nyo, kaya pa nila akong i-rebond ng maayos sa lagay na yon? Sa susunod na Sabado, luluwas na ako ng Laguna. Walang nagre-rebond sa Laguna... At hindi nanaman ako makakapag pilates... Smiley: Sad.

Kaninang umaga naman, merong nagsabing...

Sino sa inyo ang may Motorola phone?


Lahat naman kame sinagot "Wala." Pero sa isip isip ko, "Si Selzki (na nagpa-rebond nga pala ilang linggo na ring nakakalipas) Motorola yung phone." Huhuhu... Selzki!!! Miss na kitaaah!!! BIG SHOES!!! Alam mo na kung ano ibig sabihin non. Mabilis ka naman maka gets e. Di kagaya ng ibang tao sa tabi tabi...

Isingit ko muna ito: Kakainis talaga itong taong ito. Kinulang sa comprehension skills... Nakakahiya!!! Yun lang ang masasabi koh. Maiinis lang ako kung pinagpatuloy ko pah.

At, habang nililibot ko ang kalawakan ng Friendster, may nakita akong profile na kakatuwa. Ang dami nyang pinost na litrato ng sarili nya at lahat ng caption nito ay puro papuri sa kanyang sarili. Wahahahahahah! Pwede bah? Hwag nating pangunahan ang ating sarili at maghintay na may magkomento sa iyong kagandahan?

Please lang hah! Kung ako tatanunging, there is something seriously wrong with your face and the best word to describe it that immediately comes to mind is "deformed!" Sabi naman ni kapatid na Blitzwing nung pinakita ko ang profile na iyon:

She has a commoner's face. I doubt if I'd recognize her or even take notice when I see her out on the streets.


Wahahahahahahah! Naalala ko tuloy ang pag-uusap namin ng aking kaibigan noong nakaraang Linggo tungkol sa kanya:

Kaibigan: Mali kayo! Pinatulan nga ni Booba si B!

Ako: In-underestimate lang namin ang kalandian nyah!


Booba, Booba, Booba... Ahahahahah... Dami ko pa sanang naiisip ilibak tungkol sayo. Kaya lang, humahaba na ang pinuputak kong ito. Siguro sa ibang pagkakataon na lang... Pero salamat sa iyo, medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Heheheh... Smiley: Evil grin.

*Ahem* Sige na nga. Hanggang sa muli! Iiwan ko kayo ng commercial na kinaaaliwan ko. It's so me!!! Smiley: Laughing out loud.



Alexa Rank: 132486.

Komento ni Angelique

Sinulat noong 09.15.2007 9:02 NH
Ako rin... naghihinagpis... U__________U"

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.