Kabuwanan Kuno

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 10.24.2007 1:58 NH
May bisita, mens, meron, ganun na yun. Grabeh! Siguro nga dahil dito kaya naging emosyonal ako noong mga nakaraang araw at kahit ngayon. Kagaya na lang ng pangyayaring ito...

Paulo: Nag gym ka pa rin ba?

Ako: Baket? Hindi ba halata?!?

Paulo: Huh? Hindi naman kasi kita madalas makita...[May sinabi pa ata sya pagkatapos non pero 'di ko na maalala]


Huhuhu... Sobrang sama ng loob ko nung narinig ko iyon. Pero syempre hindi ko masyadong pinahalata noh. Mukha na ba akong mataba at naitanong mo iyon sa akin?!? Smiley: Crying.

Ito pa ang isa, nag login ako sa aking Friendster account at nakita kong viniew ni Booba ang aking profile. Di ko maipaliwanag ng Tagalog ang aking naramdaman! I was so offended!!!

Hay nako. Sana naman lumipas na ito. Ang mga bagay na kadalasan ay hindi ko pinapansin ay nakakaapekto na sa akin... At, ang sakit ng puson ko... Smiley: Sad.

Sya nga pala, binabati ko si James Esguerra. Magandang araw sa iyo!

Alexa Rank: 130925.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.