Drama Nanaman Ito

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.27.2007 1:20 NH
Korak. Drama nanaman...

Asan ang writer koh?!? Pano ko matatapos yung site na ito sa Biyernes kung wala iyon?!?

Bwiset na baklang 'yon na nasa David's. Ginupitan ako, mukha namang "mansanas" ayon sa aking boss na si Miguel Cuneta. Huhuhu... Ayaw ko na ng buhok ko nung high school!!!

Tinopak ang lola nyo at bumili ng sangkatutak (pito lang naman) na DVD sa Astrovision nung Linggo. Wala na akong pera. Wala na akong pera. Wala na akong perah!!! At ang tagal pa ng sweldo...

Bigla kong naalala... Nagsara na pala ang Datablitz ng SM Southmall. So dadayo pa kame sa Alabang Town Center o Festival Mall para makabili ng games?!?

Si Mudra naka confine sa hospital (kahapon pa sa isang big private room ng St. Luke's) at kailangang operahan. Sana hindi cancer.

Naalala ko tuloy yung nangyari sa akin nung ika-8 ng Agosto 2003. *Hitit ng hangin* Huhuhu... Smiley: Crying.

Lumindol kaninang tanghali. Buti na lang mahal ako ni Pudra at insured ang lola nyo.

Meron bang PMS? Post menstrual syndrome?

Magmumukmok muna ako... Smiley: Sad.

Alexa Rank: 139047.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.