Maligayang Bagong Taon!
[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 01.10.2008 10:47 NH
Medyo huli na ako ng 10 araw pero maligayang bagong taon sa inyong lahat! Ako ay nagbalik para pumutak muli! Gusto ko sana kayong bigyan ng payo tungkol sa paghahanap ng trabaho pero bago iyon, gusto ko lang kayong balitaan sa mga nangyari noong 2007 at mga unang araw ng 2008...
Paggunita sa 2007... OMG! Ano nga bang nangyari nung nakaraang taon?!? Nagiging short-term na memorya ko... Eto na lang mga naaalala ko...
- Sumali ako sa isang gym. Hindi na ako butete.
- Nagretiro si Pudra at nagsimula ang aking pagko-commute.
- Namaalam ako sa Makati at naging taga-Ortigas.
- Gaya-gaya si Mudra sa akin at inoperahan din sya sa dibdib.
- LC... Alam nyo na yan, mga Putakers
Ahaha... Eto pa ang quote ng taong 2007:
Ngayong 2008... Hrmmm... Wala pa namang kapana-panabik na nangyari... Siguro yung bago lang e nag belly dancing ang lola nyo nung nakaraang Linggo. Yun pa lang naman.
Ok. Punta naman tayo sa dapat kong iputak ngayon: payo sa paghahanap ng trabaho...
Sa mga naghahanap ng trabaho, ang pinaka importante ninyong dapat tandaan: Gandahan ang resume.
Josko! Kailangan pa bang ipayo iyan? Malamang!
Kung sino man ang nagsabi ng "first impressions last," tama sya! Ang resume mo ang unang tinitingnan ng mga boss. Ayusin mo naman.
Kanina kase, merong aplikanteng pumunta sa opisina. Tinanong sa akin kung gusto kong kausapin. Hinanap ko ang resume nya. Nung binigay ba naman sa akin, tumaas ang kilay koh! Hindi ko nga kinausap!
Meron din palang hindi marunong gumawa ng resume!
Para sa mga hindi nakakaalam, eto ang RESUME1 ng Mataas Na Paaralang Putak...
Kung hindi flight attendant, modelo o pagiging artista ang gusto mong pasukan na trabaho, walang pakialam ang mga amo kung ano'ng height, weight, kulay ng buhok, atbp mo. Ayos nang malaman nilang mukha kang tao. Etong alituntuning ito ay para lang sa ordinaryong trabaho sa opisina.
Paano nila malalaman na mukha kang tao? Dapat may 2x2 ID picture (puti o solid color ang background) ka na nakadikit sa gawing kanan ng iyong resume. Kailangan ito. Malay mo, natipuhan ng mga tumitingin sa iyong resume beauty mo. E di may plus points ka nah for face value!
Chronological po ang paglista ng ating mga naisakatuparan. Ibig sabihin, sunud-sunod ayon sa oras ng pangyayari. Ilista ang pinaka bagong pangyayari hanggang 3-5 taon. Humigit pa sa 5 taon, malamang, nakalipas o obsolete na ang mga natutunan mo nung mga panahong iyon at hindi na angkop sa bagong industriya na iyong pinapasukan.
Hanggang sa maaari, 2 pahina lang ang ating resume. Kung humaba pa iyon, malaki ang posibilidad na hindi babasahin ang kabuuan nito. Nagsayang ka lang ng ink at papel.
Gawing accomplishment based ang resume. Sabihin lang ng 1 o 2 pangungusap ang iyong job description. Pagtuunan ng pansin ang mga nagawa mo para sa ikinalago ng kumpanyang pinasukan o pinapasukan mo. Ipagbenta mo ang iyong sarili!
Medyo inaantok na ako kaya mamadaliin ko na. Ang huli ay ang pag-aayos ng iyong resume. Ito ang tamang ayos (na tinuro dapat sa kolehiyo):
- Pangalan/Address/Contact No./Email
- Layunin
- Educational Background (high school pataas lang)
- Work Experience
- Seminar/Training/Extra Courses/Atbp.
- Personal Background (isama ang birthday, special skills at iba pang mabubulaklak na pang-uri mo)
- References (hindi kamag-anak, siguraduhing maganda ang character nya at ang sasabihin nya tungkol sa iyo)
Ayan lang naman ang dapat nyong tandaan sa paggawa ng isang basic na resume. Sana ay may natutunan kayo.
Hanggang sa muli!
Alexa Rank: 145429.

Sinabi ni Pudra:
Hindi na ako nag-aalala sa Pamasko ko sa mga iyan. Meron naman silang gold.

Komento ni phpcurious
Sinulat noong 01.14.2008 5:37 NH
nakakatawa ang resume ko noong fresh graduate ko, kasi magkakapareho ang itsura ng resume ko, kung sa gamot e, parang generic! HAHAHA...
Komento ni phpcurious
Sinulat noong 01.14.2008 5:38 NH
Btw, muling nabuhay si lola. tagal ko na inaabangan ang mga bago mong posts.
Komento ni Miko Reznor
Sinulat noong 01.15.2008 8:31 NH
Hello, phpcurious! Ahahah! Nabuhay nga akoh!
Naghahanap nga pala kami ng webmaster, writers at PHP programmer. Kung meron kang mairerefer, paki email na lang sa akin ang resume. Alam mo naman email ko, daba?
Salamat!

Nakakandadong Artikulo
Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.