Sun Cellular Reklamo--Nanaman

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 03.14.2008 3:01 NH
May isang tao nanamang naiinis sa masamang serbisyo ng Sun Cellular, isang cellphone service provider sa Pilipinas, at pinadalhan ako ng liham. Eto ang sabi nya...

Sinabi ni jhen:

nakakairita

hayzz.. anu ba problema ng suncellular ngaun..? aba..!! lagi nalang ako cut off.. kakaload ko lang mga ilang minuto lang wala na agad ako load... delay pa lagi mga message.. anu ba yan..? one time nagload ako kakapasok lang ng load then magsesend plang ako cut na agad..? sayang naman yung lagi namin niloload..!! sobrang importante kasi para makontak yung family, relatives & friends tapos ganyan..!! hayszzz... !!

kamusta naman yun huh..?!!
may pag asa pa bang maayos yan..?!
pakiaksyunan naman kaagad..
sobrang dme ng perwisyo.. hmf!


Dahil ako ay post-paid sa Sun Cellular, hindi ko alam ang tungkol sa mga problema ng mga prepaid users, Jhen. Nasubukan mo na bang tawagan o mag email sa Sun Cellular?

At, kung bawasan mo lang ng 232 characters ang iyong inemail sa akin, pwedeng pwede mong gamitin ang contact form ng Sun Cellular sa kanilang chaka web site. Hanggang 300 characters lang kase ang pwede nilang tanggaping mensahe.

Eniweys, kung sistema ng kanilang chaka web site, di nila maayos, ano pa kaya serbisyo nila? Sun Cellular, matagal ka na ngayon sa market. Mag upgrade nanaman kayo ng inyong sistema para may laban kayo sa ibah!

Sa ibang balita, grabeh! Amoy sabon tong katabi ko sa opisina. Nasobrahan ata sa Downy. Sakit sa ulo ng amoy...

Mga kaputakan, paalala lang po: Ang Downy, ginagamit yan pagbabanlaw para mawala ang sabon. Kaya dapat konti lang nilalagay nyo. Hindi dapat binababad sa Downy ang labada. Ok?

Alexa Rank: 147959.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.