Senyales

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 09.08.2004 7:12 NU
Ng ano? Senyales na ayaw mo na sa iyong trabaho... Kailangan ko pa bang ilista? Natural! Kaya nga ako nag post ngayon e! Ano nga ba sila...?

Petiks mode. Lagi kang nagpapahinga sa trabaho. Hindi mo naman schedule para mag break, nagbe-break ka. Gumagawa ka ng sarili mong schedule.

Ok na 'yan! Bara bara mo na lang ginagawa ang iyong tungkulin. Para sa iyo, basta naintindihan at nagawa mo naman, ayos na iyon. Hindi ka na nag "go the extra mile" at wala ka na pake kung di pulido gawa mo. Nagawa mo na. Tapos.

Revealing password. Yung ginagamit mong password para mabuksan ang PC mo sa opisina sounds like: y0k0nad2, HellH3re, epltdSUCKS, etc.

SL shortage. Bawat linggo ba ay absent ka? Hindi ba lumalampas ang isang bwan na wala kang absent? Sikat ka na ba sa clinic ninyo at lagi ka nilang nakikita sa kanilang opisina para kumuha ng medical certificate? Naubos mo na ba ang iyong mga sick leave bago pa man matapos ang taon?

DOLE report. Pumupunta ka sa web site ng DOLE at nirereview mo ang batas at naghahanap ka talaga ng lahat ng kamalian ng kumpanyang pinagtatrabahuhan mo at umaasa kang balang araw mairereport mo sa DOLE ang mga pangaaping ginagawa sa iyo.

Sirain si Sup! Gumagawa ka ng paraan para masira ang katauhan ng iyong bisor. Mag ingat siya sa'yo dahil kapag kinukuha mo ang kanyang litrato, magtingin-tingin na siya sa mga porn site o di kaya sa mga site na merong Flash games. Malamang nandun na litrato niya.

Gumagawa ka ng listahan! Kailangan ko pa bang ipaliwanag?!?

Haaay... Kung 'di lang sa matinding pangangailangan... Sana, gumising na lang ako sa halimuyak ng pera bawat araw... Mabuhay ang manggagawang Pilipino!

Edit: Attention, PUTAKERS! Binago ko na ang Admin section natin. Pwede nyo nang baguhin ang 3 huling putak ninyo at ang inyong mga profile. Yun lang.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.