TB Nanaman

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.11.2008 2:25 NH

Una sa lahat, pasensya na sa mga nagmensahe sa akin at di ako naka sagot. Bisi-busy-han ang lola nyo.

Eniweys, para ito sa katanungan ni Ginoong Romel Castillo:

Magandang araw sa iyo Miko, sana naaalala mo pa ako... ako yung nag bigay ng isang mensahe sa iyo... matagal na panahon na ang nakakaraan na hanggang ngayun ay hindi mo pa rin ako ina add sa frendster... (biro lang) Tungkol sa TB... yung aking kasintahan ay may Mild PTB... sa paanong paraan mas mapapabilis ang kanyang pag galing? bumagsak kasi sya sa kanyang medikal dahil meron syang Mild PTB... pwede pa ba kami mag kiss??? mahahawa ba ako??? nasa magkano ang gamot para sa ganitong sakit??? sana matulungan mo po ako...

Nagmamahal na taga subaybay
Rommel Castillo

Magandang araw din sa iyo, Rommel!

Matagal na akong hindi nakakalog-in sa Friendster kaya sa susunod na maisipan ko, hayaan mo at ia-add kita.

Sa sagot naman sa iyong mga katanungan, pwede kayong mag halikan pero sabi nga ng aking doktor, ang TB ay highly contagious sa unang 2 buwan ng treatment.

Kung mahina resistensya mo, baka siguro kailangan mo munang mag vitamins bago ito gawin.

Yung gamot ko nung unang 2 buwan ay 5 pills tuwing umaga bago mag-agahan. Nung sumunod na 4 na buwan, 3 pills naman tuwing umaga bago mag-agahan. Tapos, para di magka-relapse, sinabihan akong ipagpatuloy ang 3 pills na iniinom ko hanggang 3 buwan.

Sumatotal, 9 na buwan akong uminom ng sangkatutak na pills. Di naman ako nagbayad ng gamot dahil sila Mudra ang may datung pero sinasabi nya, yung iba sa mga pills ko ay umaabot ng P29 bawat isa. Di ko alam kung dahil brand name iyon.

So, compute compute ka na lang kung magkano aabutin yun.

Di ko alam kung pwede mapabilis ang pagpapagaling pero alam ko, pagkatapos ng 2 buwan, sabi ng doktor ko, pwede nang magtrabaho dahil di na nakakahawa iyon. Siguro hingi na lang kayo ng medical certificate para kung meron mang manguwestyon, meron kayong maibibigay.

Hanggang sa muli!



Mga Komento

  • Nakiputak si selzki noong 07.21.2008 2:25 NH

    Anong ibig sabihin nito Miko? nagkaroon ka ng TB?

  • Nakiputak si Miko Reznor noong 07.23.2008 9:26 NH

    Ahahah! Di mo alam? Oo nung GRO *ahem*callcenteragent*ahem* pa ako. Kaya ako nag resign. Nagkakasakit ako.


Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.

n