Operasyon Nanaman

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 01.30.2009 1:37 NU

Haaay... Wala ka talagang laban sa iyong genes. Sinisisi ko si Mudra... Smiley: Sad.

Sa ibang balita, dahil wala akong magawa kagabi, napadpad ako sa Cinema One at pinapalabas ang pelikulang Ngayong Nandito Ka starring Kristine Hermosa, Jericho Rosales at Onemig Bondoc.

Hindi ko sya naumpisahan pero naabutan ko yung eksenang nago-golf sila at ang masasabi ko lang, yaaakk!!!

Halatang halatang walang alam sa golf ang direktor/producer/writer/atbp ng pelikulang ito.

Hwag na nating pag-usapan ang kahindik-hindik na porma ng swing ni Kristine Hermosa habang nagkukunwari syang marunong maglaro. Alam naman nating artista sya at hindi golfer.

Pero hindi ba nila alam na it's considered bad taste na makipagchismisan habang magsu-swing ang manlalaro ng golf? Kahit gaano pa sila ka-close, bawal magsalita habang nagsu-swing.

Nakakasira ito ng konsentrasyon at baka pumangit ang kanyang laro kagaya nga ng nangyari kay Kristine Hermosa sa pelikula. Naitapon ata nya ang kanyang club at engot na lang ang gagawa non. Mas kapani-paniwala pa siguro kung lupa ang natamaan nya at hindi ang bola. Hmph! Smiley: Snob.

Isa pa, 15 minuto lang madalas ang alloted time per flight per hole kaya kung gusto nila magkwentuhan, don na lang habang naglalakad sila papunta sa kanilang bola.

Eto pa, hindi sa itim nagti-tee-off ang mga babae. Saglit lang pinalabas pero kitang kita ko na sa itim na bahagi si Kristine Hermosa nag tee-off. Sa lalake lang iyon. Iba ang tee-off ng mga babae. Para sa inyong kaalaman, ang panlalake na tee-off ay itim at asul. Sa babae, pula o puti. Ok?

Yun lang naman. Magandang umaga sa inyong lahat!

At bigla kong naalala, noong taong 2003 na lumabas ang pelikulang ito, dun din ako unang inoperahan... Dundundunduuunn... Smiley: Gasp in shock!



Mga Komento

  • Nakiputak si Ako po si jojo siao noong 02.19.2009 12:09 NH

    Hi

    kamusta na! tagal na tayo d nagcha-chat sa YM.
    Teka, bakit parang mas alam mo pa ang mga pinaggagawa nila sa movie? eh direktor naman nila ang nag-uutos sa kanila kung ano ang gagawin ah! ahehehe... joke lang po.
    sus, kaw pa halos araw-araw ka ata nasa Tagaytay Valley Golf Club. kaya malamang alam na alam mo na ang paglalaro ng golf!

    pero sa totoo lang, tama ka rin. bakit nga ba ganun sila. iniiba nila ang rules ng golf?!


Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.