Kasalan

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 03.20.2009 1:51 NU

Una sa lahat, binabati ko si BB... *Ahem* Jonas pala. Sa wakas, nakilala ko na ang asawa mo. Salamat din sa pag-imbita mo sa akin sa iyong kasal sa simbahan. Syempre magtatampo ako pag hindi ako napasama don noh!

Mag usap kasalan naman tayo dahil iyon ang titulo ng aking puputakin. Alam nyo ba na dapat binibigay ang imbitasyon sa kasal mga 6 hanggang 8 linggo bago ito gaganapin? (Pero dahil kaibigan kita, B...Jonas, palalampasin ko iyon.)

Alam nyo rin ba na pag sinabing "Strictly Formal" o "Black Tie" sa imbitasyon, kadalasan dapat ang kasalan ay ika-6 ng gabi pataas?

Pero syempre, kung hindi alam iyon ng ikakasal, ano pa ba ang magagawa nyo? E di mag pormal-pormalan kayo.

Ano nga ba ang dapat isuot pag sinabing Strictly Formal o Black Tie?

Para sa mga babae, ang isusuot dapat ay floor-length dress o kaya knee-length cocktail dress at tuxedo sa ibabaw ng puting dress shirt (yung may kwelyo na walang butones sa ilalim) sa lalake.

Dahil nasa Pilipinas tayo, pwede rin kayong mag barong at baro't saya kung gusto nyo.

Yung dress dapat pang pormal na handaan at hindi yung may maraming print na para kang magbi-beach o pupunta sa isang night club.

Bawal rin magsuot ng puti o ivory ang mga babae sa kasalan dahil ang kinakasal lang dapat ang naka puti. Ok?

At para na rin sa inyong kaalaman, ang business suit ay pang Semiformal na handaan.

Basahin nyo ang Emily Post's Etiquette para sa karagdagang impormasyon.

Hanggang sa muli!



Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.