Twilight 2-Disc Special Edition DVD ng Viva

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 04.07.2009 9:48 NH

Sa mga nagbabalak bumili ng Twilight 2-Disc Special Edition DVD na inilabas ng Viva Entertainment, Inc., mag-isip-isip muna kayo bago gumastos ng P750 para rito.

Ipinagmamalaki ng Viva na nailabas nila ang DVD kasabay ng paglabas nito sa U.S. pero hindi naman pareho ang mga features nito kaya hindi nila ito dapat ipagmalaki.

Ikumpara natin ang Twilight DVD na nabibili sa Amazon at ang Twilight DVD ng Viva.

Unang una sa lahat, walang subtitles ang Twilight DVD ng Viva. Ewan ko ba kung bakit ngayon ko lang napansin na lahat ng mga DVD ko na inilabas ng Viva ay walang subtitles. Ito lang ang ilan sa mga ito: The Bachelor, Brokeback Mountain at Scream.

Hindi ba alam ng Viva na ang subtitles ay ang pinakaimportanteng feature ng isang disenteng DVD?!? Hindi rin ba alam ng Viva na merong mga taong hearing impaired na gusto ring manuod ng sine at kailangan nila ang subtitles para maintindihan kung ano ang nangyayari?!?

Wala ring widescreen format o audio commentary with director Catherine Hardwicke and stars Kristen Stewart and Robert Pattinson ang Twilight DVD ng Viva.

Para sa akin, ayos lang kahit fullscreen format pero isa sa mga paborito kong DVD features ay ang audio commentary.

Naaaliw akong pakinggan ang mga audio commentary lalong lalo na sa mga pelikulang 300, Fight Club at Resident Evil. Kung meron audio commentary, sana sinama rin ng Viva ito sa kanilang release!

Eto pa, sa Disc 1, mas maganda pa ang kalidad ng video ng mga patalastas kumpara sa video ng menu (kung saan merong "Play Movie" at "Scene Selection" menu). Grainy ang video at parang kaunti lang ang nilamang nito kumpara sa mga video na kinukuha ng aking cellphone. Parang pirated! Yaaak!

Sinabi ng Viva sa kanilang web site (na sa tingin ko ay pinost nila pagkatapos ko silang inemail):

As most of you are aware, the 2-Disc DVD Special Edition of TWILIGHT was released in the Philippines this past weekend. The 1st disc contains the full feature or movie in its entirety. The 2nd disc contains the DVD extras or DVD add-ons licensed to us by the international licensor. Such content are confined and limited to the rights granted to us by Summit Entertainment.

The release of the Twilight video is in accordance with the Licence Agreement between Viva and Summit Entertainment. As we are not privy to the international licensor's arrangements with its various licensees worldwide, we have no control over the contents and timing of their own DVD releases. Rest assured, we endeavored to bring the movie to the local market at the earliest possible time. We were the 2nd country in Asia to release the movie in theaters. On video, we released almost simultaneous with the title's US video release.

As a company engaged in video distribution for the last 25 years, rest assured that our TWILIGHT 2-Disc DVD Special Edition provides unbelievable value to local Twilighters, Twilight Fanatics, and movie fans. Thank you for your support.

Ang ibig sabihin ba nito na ang kawalan ng subtitles at audio commentary ay dahil hindi kayang bayaran ng Viva ang licence para rito?

Siguro kung hindi sila nagmadali at nakisabay sa U.S. release, nakapag-ipon sana sila ng pera para sa mga licence para hindi masyadong kalibak-libak ang kanilang inilabas na Twilight DVD.

Ang ibang features naman na nasa Twilight Disc 2 ng Viva, wala ako masyadong naalala sa kanila... Siguro dahil hindi naman talaga katanda-tanda ang mga ito. Merong monologue ang manunulat ng Twilight na si Stephenie Meyer at ang natatandaan ko lang na sinabi nya ay pinaginipan nya ang "meadow scene" at don nya sinimulang ang pagsusulat ng Twilight.

Nagkomento rin ako sa web site ng Viva at sinabi ko ang mga reklamo kong ito pero hindi nila inaprubahan. Kung ayaw nilang makatanggap ng mga opinyon, sana hindi na lang sila naglagay ng comment form sa kanilang web site, diba?

Sa kabuuan, ang 2 pinakagusto kong features ng isang DVD na ang subtitles at audio commentary ay wala Twilight DVD ng Viva kaya tingin ko nagsayang lang ako ng P750.

Maraming mabibili ang P750 at sana pinambili ko na lang ito ng iba... Haaay...

Kung nangangati pa rin kayong bumili ng Twilight DVD, sa Amazon na lang kayo bumili. Hwag tangkilikin ang mga DVD ng Viva na walang subtitles at anti-hearing-impaired!



Mga Komento

  • Nakiputak si Debbie Yap noong 04.20.2009 11:16 NU

    oo nga! tma ka sa iyong komento. sayang nga yung P750 na iginasta ko para lang sa Twilight DVD ng VIVA.. hahay! ang subtitles talaga yung gusto ko..

  • Nakiputak si Miko Reznor noong 04.20.2009 12:11 NH

    At eto pa, ang pirated pala ng Twilight na tig P50-P80 ay merong subtitles. Diba nakakainis? May lamang ang pirated kumpara sa original?

  • Nakiputak si selzki noong 04.24.2009 3:36 NH

    Baka naman VCD lang yun na pina-package nila as DVD Smiley: Sticks out tongue.

  • Nakiputak si Miko Reznor noong 04.28.2009 5:55 NH

    Selzki! Pwede! VCD-quality DVD for sale by Viva. Viva sucks.


Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.