Si Kalayana
[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 04.16.2005 8:35 NU
Ay ang anak ng aming driver na namamasukan sa amin bilang katulong. Tama. Mabuhay ang nepotismo!
Pero hindi tungkol sa nepotismo ang ipuputak ko ngayon. Ito ay tungkol kay Kalayana na talagang kakataka. Umiinom kasi ako ng tubig sa aming kusina at pumasok siya sa eksena. Ganito ang nangyari...Ako: *Umiinom*
Kalayana: Ate, galit po ba kayo sa'kin?
Ako: Baket naman?
Kalayana: Kasi po yung pera ninyo...
Ako: Ano'ng pera?
Kalayana: Kasi po nabasa ko po...Iniisip ko naman, ano'ng pinagsasasabi nito?!? Tapos, bigla kong naalala. Meron akong 400 sa bulsa ng aking pantalon na nakalimutan at hindi niya hinahalungkat ang mga bulsa ng mga damit (kagaya ng tinuro sa kanya ni Inay) kaya nalabhan niya ito.
Napakatagal na noon! Higit sa isang linggo at ngayon lang niya naisipang tanungin kung galit ako?!? Yung sagot pala, hindi.
Napakababaw ko naman para magalit sa napakaliit na bagay. Hmph!
Ito pa kakaiba sa kanya... Masyado siyang magugulatin. Magkakasalubong lang kami, magugulat na siya tapos didikit siya sa pader - Spider Man style! Parang meron akong sakit na nakakahawa at ayaw nyang madikitan ako.
Sabi nga ni Ninong, kailangan niyang mag-aral ng "Personality Development" at sumasang-ayon ako sa kanya

Nakakandadong Artikulo
Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.