Ang Aking TIN

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 04.17.2005 7:58 NU
Sa wakas! Meron na akong TIN! Nagtrabaho ako sa *ahem* na kumpanyang ito simula noong 08/18/2003 at ngayong 04/15/2005 lang nila naibigay sa akin ito. Grrr... Smiley: Mad.

Naalala ko pa noong bagong tanggap lang ako doon. Meron silang mga pina-fill up na forms sa amin na sinubmit ko naman. Kasama doon ang BIR form 1902. Sabi pa nga nila, kung wala kaming TIN, sila na raw bahala kumuha noon para sa akin.

Pero nahalata ko, nung ma-regular na ako sa trabaho, wala pa rin akong TIN. Kagaya ng natural na proseso, ipinaalam ko ito sa aking bisor. Ang bisor ko naman ang nag-follow-up sa HR. Meron pa nga akong naalalang email na finorward sa akin ng aking bisor nung mga panahong iyon na sabi ng HR, "being processed" pa rin daw.

So, tuwing pay day, palagi kong ine-email ang aking bisor tungkol sa nawawala kong TIN. Noong Enero ng taong ito, napalipat ako ng team kaya meron nanaman akong bagong bisor. Sinabi ko sa kanya ang aking hinaing at sinabi niya, siya ang bahala.

Gitna na ng Pebrero noong nag reply ang HR. Di umano, kulang daw ako ng birth certificate at BIR 1902. Ano?!? E diba sinubmit ko na ang mga ito noong kakapasok ko pa lang diyan dahil ito'y mga requirements nila?!? Ano na ang nangyari sa una kong sinubmit?!? Napaka responsable naman talaga ng mga HR personnel na iyan at naiwala nila ang mga papeles ko.

Ang masakit pa diyan, kinakaltasan nila ako ng buwis tuwing sweldo. Hrmmm... Saan naman kaya napupunta ang mga "buwis" na iyon kung wala nga akong TIN nung mga panahong iyon?

Dapat talagang imbestigahan ang kumpanyang *ahem*epldvocativ*ahem* iyan ng mga kinauukulan e. Hmph! Smiley: Snob.

Kaya siguro hindi umuunlad ang Pilipinas. Masyadong maraming mga nanggagago sa kapwa nila.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.