Lisensya

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.30.2005 3:43 NH
Opisyal na ito. Isa na akong driver. Tama. Kakukuha ko lang ng aking lisensya kaninang umaga kasama sina Mudra at Kapatid. Nakakatuwa nga dahil hindi ko inaasahang ganoon lang ito kadali. Ngayon, ang kailangan ko lang gawin ay matutong magmaneho Smiley: Ehehe...

Nauna na si Kapatid sa amin dahil meron pa siyang trabaho ng 12:30 ng tanghali kaya kaming dalawa na lang ni Mudra ang naghintay ng kanyang lisensya. Pagkatapos naming makuha ang mga ito ay nilibre ako ni Mudra sa The French Baker. Ngayon, pareho kaming may LBM. Meron atang kung anong masamang elemento doon sa aming nakain...

Sana naman ay gumaling na ako mamaya dahil magkikita kami sa driving range mamaya ni Pudra para mag golf... Smiley: Shocked.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.