Muling Pagputak....

[ RSS ] Pumutak si Tim noong 07.08.2004 9:55 NU
Ala lang...muli lang akong pumpuputak para na rin sa minamahal ko at paboritong pinsan na alam kong naghirap ng todo para mabuo ito.

Sa ngayon e medyo madami akong ginagawa kaya di ako maipapangako na maipuputak ko lahat ng nais ko. Maliban sa isang bagay na talagang naging maganda para sa akin.

Alam na naman siguro ng karamihan sa mga kaibigan ko na nasa Focolare na ako. Naging Gen ako dito nuong nakaraang Mayo. And ang tanging masasabi ko ay wala akong pagsisi sa pagsali dito maliban lang na bakit di noon pa.

Nakilala ko ang movement mga year 2000 pa nung nagsisimula palang ako mag trabaho. And wala lang di ko lang sya pinansin dahil sa tingin wala akong panahon para dito.

Pero nung nagtagal habang nakikilala ko ang mga Gen at mga proyekto nila, talagang nais ko nang sumali.

Ngayon ay aktibo ako dito, yun nga lang halos wala pa akong nai-aambag dahil sa bago nga ako at di pa involve sa anumang project. Ngunit ang importante sa kin ngayon ay kahit mahirap, pilit kong isinasabuhay ang "Ideals" ika nga Smiley: Smile.

Hanggang sa muli.....


P.S. Abangan n'yo ang aking mga Theoira at mga Klasik Conversations.


Komento ni Miko Reznor

Sinulat noong 07.09.2004 4:34 NU
Ano ba itong mahiwagang grupo na itoh? Smiley: Confused. At parang may sarili kayong diksyonaryo... Ano ang Gen?

Komento ni Tim

Sinulat noong 07.12.2004 1:31 NH
Well isa itong grupo na nagaayon na isabuhay ang ebanghelyo Smiley: Smile. Gen ang tawag sa mga batang miyembro ng movement. Smiley: Grin.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.