Blinding Light Web Awards

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.06.2005 4:54 NH
Kung hindi ninyo alam, ako ang nagmamay-ari ng Blinding-Light.COM. Bawat taon, pinagdiriwang ko ang anibersaryo nito sa pamamagitan ng pagdaos ng Blinding Light Web Awards. Inaanyayahan ko kayong lahat na sumali sa paligsahan na ito. Pwede ninyong ipasok ang inyong mga web site hanggang ika-30 ng Oktubre. Ang botohan ay magaganap sa ika-2-30 ng Nobyembre. Ipapaalam ang mga nanalo sa ikalawang anibersaryo ng Blinding-Light.COM sa ika-2 ng Disyembre.

Pinakikiusapan ko kayong lahat na sumali. Kung hindi man, pwede nyo ring ipagsabi ito sa ibang mga kakilala ninyo na interisado. Maari lang sumali ang mga web site na sinulat sa Ingles dahil ito ang lenggwaheng naiintindihan ng karamihang tao.

Punta na lang kayo sa Blinding Light Web Awards para sa ibang impormasyon. Salamat!

Sa ibang balita, nagtataka ba kayo kung anong itsura ng mga pagmumukha naming mga Putakers? Hehe. Ito ang litrato namin ni Tim:

Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog


Napaka ganda naming mga nilalang hindi ba? Smiley: Puts thumb up. Magpapakita pa ako ng iba pang mga litrato pag nakahanap ako. Hanggang sa muli!

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.