Bayarin

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.12.2005 10:05 NH
Natanggap ko ang bill para sa hosting ko sa Blinding-Light.COM at due ito sa ika-14 ng Agosto. Pinadala ito ng aking host noong 2:55 ng madaling araw ngayon at kaninang 2:00 ng tanghali ko lang nabasa sa aking email. Kakainis! Kung hindi ko pa pala natingnan ang aking email, hindi ko pa malalaman na kailangan kong bayaran iyon. Hmph!

Hindi ba nila kayang ipadala iyon sa aking mga isang linggo bago ito due?!? Hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataong makapagbayad kung kailan ko gusto. Sarado pa naman ang mga bangko tuwing Linggo kaya ngayon lang ako pwede makapagbayad. Minadali ko pa ang panliligo dahil magsasara ang bangko ng 4:00 ng hapon. Ayaw ko pa naman lumabas ngayon dahil umuulan ng malakas. Argh! Smiley: Blowing up in anger.

Nakapagpakunot pa ng noo ko ay hindi ako pinayagang dalhin ang kotse. Namasahe lang ako. Bumabaha pa naman sa labasan namin... Paano naman ako matututong magmaneho kung gusto ni Pudra na palagi akong may kasamang bisor habang hawak ko ang sasakyan? Bwiset. Di sana hindi na lang niya ako tinuruan kung hindi rin niya ako pagkakatiwalaang gamitin iyon Smiley: Snob.

Sa ibang balita, binalik ko na ang mga ads sa Blinding-Light.COM at Self-Destruct.NET. Paki click naman ang mga ito para kumita ako kahit papaano. Salamat!

Komento ni Monica

Sinulat noong 08.16.2005 2:29 NH
Hello. Kumusta? Ang ganda ng site mo. I'm so inspired. I never knew you were a pinay. Anyway, I'm don't speak much Tagalog yet I understand them. I'm just bad at speaking it. Keep up the good work. Well ingats ka lang po.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.