Pagkukulang

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.23.2005 1:48 NU
Hrmmm... Naaalala ko noong mga panahong nakakita kami ng aking mga kaibigan ng isang tao na nililitratuhan ang sarili habang nakatingala gamit ang kanyang cellphone. Tawagin na lang natin siyang Tars. Noong mga panahong iyon, lihim namin siyang tinatawanan. Akala pa nga namin, may pagkukulang ang kanyang mga magulang kaya siya ganoon.

Ngayon ko lang naiintindihan ko ang mga dahilan ni Tars. Kaya, mga kaibigan, kung nakalimutan ko mang ikwento sa inyo ito, isusulat ko na lang dito... Kaya siya ganoon ay dahil gusto niyang lubusin ang "lighting ". Siguro, gusto niyang maputi ang kalabasan niya sa kanyang litrato kaya ganoon. Naisipan ko ito noong nililitratuhan ko ang aking sarili sa aking kwarto mga nakalipas na dalawang gabi. Mas maputi nga ang kinalabasan kung nakatingala sa ilaw kumpara sa normal na posing.

Yun lang. Gusto ko lang ibahagi ang aking nalaman. Hanggang sa muli!

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.