Putakan Nanaman!

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.03.2005 11:40 NH
Tagal ko na ring hindi nakakaputak. Wala rin naman kasi akong masyadong maikwento. Hrmmm... Binago ko nanaman ang coding para sa PUTAK. Napansin ko kasi na sa iba kong mga web site, inaatake ako ng mga bots at mga taong walang magawa sa buhay kundi mag spam. Ngayon, naglagay ako ng anti-bot/spam script. Sana gumagana siya.

Nagdagdag din ako ng RSS feeds. Ang ginagawa nito ay ipapaalam sa mga nag subscribe sa PUTAK kung mayroong bagong artikulo na isinulat. Lupit, diba? Ito ang papalit sa mga newsletters balang araw. Bago lang kasi ito kaya hindi pa siya sinusuportahan ng karamihan. Kung gumagamit pa kayo ng Opera browser, pinapadali nito ang pagbasa sa mga ito.

Natutuwa nga ako sa lahat ng aking nagawa. Alam nyo naman na ako lang ang natuto ng pag code ng mga web site. Ang tumulong lang sa akin ay ang pagbabasa ng mga online tutorials at libro. Kita nyo naman ngayon, may mga taong nagsasabi sa akin na inspirasyon daw nila ako. Bwahahahahah! Kakaaliw talaga :P

Hay nako. Napanood ko sa balita kanina na ang kaguluhan ng mga kabataan sa France ay hindi pa rin natatapos. Naghahasik sila ng lagim doon sa pamamagitan ng pagbabato sa mga bagay-bagay at mga tao. Nanununog din sila ng mga bahay at kotse. Dahil daw sa "matinding kahirapan" kaya sila nagkakaganon. Hmph! Magtigil nga sila diyan! Pumunta sila dito para makakita sila ng tunay na kahirapan! Smiley: Snob.

Iniimbitahan ko nga pala kayong bumoto sa Second Annual Blinding Light Web Awards. Ang pagboboto ay matatapos sa ika-30 ng Nobyembre. Ilalantad ang mga nanalo sa ika-2 ng Disyembre na siya ring ikalawang anibersaryo ng Blinding-Light.COM. Kaya bumoto na kayo ngayon! Salamat!

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.