Telepantasyang Walang Kabuluhan

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.05.2005 1:00 NU
Nauuso dito sa Pilipinas ang mga telepantasya. Dati, mga Meksikano ang sinusubaybayan. Pinangunahan ni La Traidora na mali-mali naman ang pag-dub. Nakabuka pa ang kanilang mga bunganga pero wala namang sinasabi. Naalala ko pa noon, nagpapagupit ako sa Ricky Reyes, puro Marimar lang ang pinapatugtog ng paulit ulit. Nakiki-AAW! pa ang mga bakla doon. Nakakabingi.

Sumunod naman ang mga Tsino o Koreano. Malay ko kung ano'ng lahi nila. Basta singkit. Meteor Garden etchos. Hindi ko man lang pinanood iyon. 'Di ko type mga Intsik. Hmph! Smiley: Snob. Kaya wala ako masyadong masabi sa kapanahunan ng kanilang kasikatan.

Ngayon, mga kapwa Pilipino naman ang tinututukan. Binalik si Darna sa katauhan ni Angel Locsin. Ang masasabi ko lang, wala siyang ibubuga kay Ate V hindi lang dahil sa mas magaling umarte ang beteranang aktres kundi dahil mas maganda siyang tingnan sa costume ni Darna. Hindi maipagkakaila na ayos din ang katawan ni Angel. Siya pa nga raw ang ibinotong pinaka-sexy sa FHM Magazine. Meron siyang hinaharap na pwede niyang maipagmalaki. Pero... Ang kanyang likuran... Nasaan na?!? Diretsong diretso. Tsk, tsk...

Sino ba ang nagsusulat sa script nila? Meron pa siyang kalaban na tinatawag na Babaeng Impakta (kinuwento lang sa akin ito kaya pasensya kung mali at huwag nyo na lang pansinin ang taludtod na ito). HU-WHAAAT?!? Babaeng Impakta?!? Hindi ba't babae na nga ang "impakta"? Bakit pa nila dadagdagan ng "babaeng" sa unahan? Hindi ko maintindihan!!! Parang sinabi na rin nilang Lalakeng Impakto! Marunong bang managalog ang mga manunulat nito?!?

Ako lang ito pero talagang naiinis ako sa pagmumukha ni Alesandra De Rossi. Siya ang gumaganap na Valentina. Mukha siyang yagit! At pinagpipilitan pa nilang pagandahin! Pweh! Nabalitaan kong gumanap siya bilang katulong o DH na minumulto sa Singapore. Ganoon ang bagay sa kanyang mga papelan! Huwag na siyang damitan ng maganda kung hindi naman talaga maganda (tinutukoy ko ang taong anyo niya at hindi ang Babaeng Ahas).

Sa Enkantadia naman, nagulat ako noong malaman ko na si Lira ay anak ni Amihan at Ibrahim na mag-pinsan. Ano itoh? Inbreeding?!? Kaya pala may pagkahina sa utak itong si Lira. Hindi ba ganoon iyon? Kung magkakamag-anak ang nagpapadagdag sa kanilang lahi, magkakaroon ng mga "pagkukulang" ang kanilang magiging anak. Nyak! Kakakilabot naman! Smiley: Gasp in shock!

Puro Kapuso ang nililibak ko. Kasi naman, iyon ang mga pinapanood ng aking mga kasambahay. Kinukwento lang nila sa akin ang mga pangyayari. Minsan ko lang nasilayan ang mga palabas na ito. Sa tingin ko, mga 2 o 3 kabanata lang ang aking nakita. Sinayang ko lang ang oras ko sa panonood ng mga ito. Napakapangit ng kanilang pag-arte! O, sige. Hindi naman silang lahat pero halos mabibilang mo lang sa isang kamay ang mga mukhang kapani-paniwala. Yung iba... Parang gusto mong sabihin, "Ows, talagah?!? Mukhang hindi, eh!" Saan ba napulot ang mga "artistang" iyan?!? Siguro kulang ang sahod nila kaya kulang din sila sa acting.

Napansin kong mas maayos ang pag-arte ng mga Kapamilya pero mas malakas pa rin ang Kapuso. Siguro dahil mas interisante ang kanilang mga plot. Sino ba namang magkakagustong manood ng palabas na may titulong Kumpanerang Kuba? Sa salitang "kuba" pa lang mapapangitan ka na. Ano ba'ng iniisip nila?!?

Haaayy... Ano na nga ba ang nangyayari sa industriya ng showbiz dito sa Pilipinas? Bagsak! Kailangan talaga nilang magbago... Huwag silang kuha ng kuha ng "artistang" hitsura lang ang pambato. Bago sila magsulat ng istorya, magsaliksik sila kung ano ang gustong mapanood ng mga Pilipino. Alamin nila kung tungkol saan ang mga binabasang libro ng karamihan para meron silang ideya kung saan interisado ang mga tao... Ilan lang iyon sa pwede nilang gawin... Ginagawa ba nila ito? Kaya naman mas sikat ang mga palabas ng dayuhan sa atin... Nakakalungkot... Smiley: Sad.

Komento ni Lily

Sinulat noong 11.06.2005 9:02 NH
ay!! galit ako sa kapuso!!! basta...long story... kapamilya ako all the way!!!

pwera biro... di ka man lng nakapanood ng Meteor Garden... ang ganda-ganda nun... except for the 2nd one.

Komento ni Miko Reznor

Sinulat noong 11.07.2005 12:40 NU
Bwahahahahah! Nanuood ka ng Meteor Garden?!? Vhaket?!? Basta, 'di ko lang talaga type panoorin mga singkit. 'Yon lang ang masasabi ko Smiley: Wink.

Komento ni Lily

Sinulat noong 11.16.2005 1:37 NH
yep..nanunuod ako ng MG...meron ako nung buong season one.. eh kasi chinese po ako eh... so alam mo na.. practice para sakin kasi matagal na ako hindi nagsasalita ng chinese...hindi naman kami nagsasalita sa bahay ng chinese

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.