DLSU vs AdMU

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.12.2004 12:44 NU
Natalo ang aming Green Archers! Smiley: Sad. Smiley: Crying. Smiley: Mad.

Grabe! Nangunguna nga tayo tapos hinayaan nilang mahabol nila tayo! Inis naman o! Wala kasi ako don sa Araneta Coliseum para mag cheer para sa kanila kaya natalo sila e! Totoo! Lahat ng napanood kong games (live), panalo ang La Salle! Ngayon, sa TV lang ako nanood kaya natalo sila! Hehehe... *Ahem* Hayaan nyo na akong pumutak ng ganitoh!

Napapansin ko lang hah! Ganito palagi ang eksena tuwing natatalo kami sa Blue Eagles e. Sa umpisa, parang mananalo kami kasi nga mataas ang lead namin tapos biglang hahabol yung mga kalaban. Nakita ko pa yung panget na pandak na LA Tenorio na iyon! Hmph! Feeling naman kagwapuhan siya!

Tapos nandoon pa si Tang na ginagamit ang numero ni Mike! Smiley: Shakes head. *Ahem* Hwag nating awayin ang manlalaro ng ating eskwelahan... Lahat ng unang laban sa season ng UAAP ay panalo ang DLSU... Bakit ngayon pa nagbago? At sa "rival" school pa namin hah!

Di ko nga alam kung bakit kami "rivals" e. Mas magaling kasi ang eskwelahan namin academic-wise. Sa huling survey tungkol sa mga eskwelahan sa Asia, ang DLSU ay rumaranggong top 1 pribadong unibersidad sa Pilipinas. At ang eskewlahan pa namin ang unang nagwagi ng level 4 o pinakamataas na akreditasyon ng PAASCU.

Sa katunayan nga, ni hindi ko narinig ang tungkol sa eskwelahang Ateneo noong ako ay high school pa lamang. Puro La Salle ang naririnig kong sikat. At nalaman ko lang ang tungkol sa Ateneo noong pumasok nga ako sa La Salle at sinasabi ng mga tao roon na "rival" na eskwelahan nga namin iyon.

Yung mga taga Ateneo na nagbabasa nito, hwag magalit! Gumawa na lang kayo ng sarili nyong web site at doon kayo dumakdak! Smiley: Sticks out tongue.

Haaay... Sana naman manalo na kami sa susunod na laban...

ANIMO LA SALLE! Smiley: Puts thumb up.

Komento ni Tim

Sinulat noong 07.12.2004 1:32 NH
Wag ka mag alala...nung panahon ko di man lang naka isa or iisa naging panalo ng Ateneo sa atin hehehe Smiley: Evil grin.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.