Google, Magnanakaw, ATBP

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.14.2005 6:37 NH
Talagang naaaliw ako tuwing tinitingnan ko ang log ng mga bisita ng Putak. Kakaunti nga lang ang pumupunta araw-araw pero hindi ko naman ito masyadong pinagkakalat kaya hindi ako nababahala. Natutuwa lang ako sa mga keywords na tina-type ng mga tao sa Google para makapunta rito:

taong sikat sa pagbabasa
masahe
masahista
amihan enkantadia
kapuso blog
almuranas

Iilan lamang iyon sa mga nakita ko. At biruin nyo, pag iyon ang inilagay sa Google, ang Putak ay nasa unang pahina o malapit na. Heheh. Kung gugustuhin ko, pwede ko ring gawin na ang Putak ang pinaka-unang ililista. Bwahahahah! Smiley: Laughing out loud.

Pero hindi ko gagawin iyon. Marami pa akong ginagawa. Ang uunahin ko ay paniguraduhing ligtas ang aking mga web site laban sa mga hackers, spammers, at iba pang masasamang loob. Hindi pa naman ako naha-hack pero iba pa rin ang handa. Ang hindi ko lang mapigilan ay ang mga pagnanakaw ng ibang tao...

Sa mga hindi nakakaalam, ako ay crew sa Day Dream Graphics. Ako yung isa sa mga nagpoproseso ng mga disenyo na isinusumite roon at sinusumite ko rin minsan doon ang aking mga disenyo. Anyways, meron ba namang nag post *ahem*Acky*ahem* sa board ng DDG na humihingi ng tulong tungkol sa "ginawa" niyang disenyo. Nagkaproblema siya dahil may malaking "butas" ang "ginawa" niya. Dapat kasi may kulay ang background pero hindi nya magawang lagyan ng kulay. Si John ang nakakita at sinabi niya sa akin na kamukha ng disenyo ko ang "ginawa" ng taong iyon. Iniba lang niya ang mga larawan at pinapangit.

Tatanga-tanga pala siya e! Kung magnanakaw siya, siguraduhin niyang hindi alam ng nanakawan nya! Ang kapal ng pagmumukha! Doon pa talaga siya humingi ng tulong sa lugar na namumukhaan ng mga ibang miyembro ang mga gawa ko. E di bistong bisto siya!

Reply naman ako sa thread ni niya at ibinigay ko ang link ng orihinal na disenyo. Sinabi ko pa na bigyan nya ako ng credit. Nag-PM naman siya sa akin at humihingi ng paumanhin. Sabi pa nya, gusto daw nya ang aking mga disenyo at marami siyang na-download na gawa ko. Kaya nung "ginawa" niya ang disenyong iyon, parang "subconsciously" naalala daw niya ang aking gawa. Talaga lang, hah?!?

Hmph! Tinanggal na rin nya ang kanyang "ginawa". Halatang guilty! Smiley: Snob. Hindi ko na nga lang papansinin.

Maiba naman ako, nakabundol ako ng Revo noong nakaraang Martes. Wala namang nasaktan. Nagasgasan lang ng kaunti ang aming mga sasakyan at ang aking pride. Pero... Hindi ko aakalaing madadagdag ang "wreckless driver" sa aking mga katangian. Nakakalungkot... Patawad po... Smiley: Crying.

Komento ni Lily

Sinulat noong 11.16.2005 1:44 NH
link ko ang putak sa blog ko ha miko....ay nakita ko yung post na yun...talaga? tinanggal na nya? pahiya no? guilty!! tawa ko lang... pero I know what you feel kasi naranasan ko na rin manakawan ng layout... banner lang ang kanyang binago sa disenyo ko no!....halatang akin galing eh.. hay naku...ang hirap... pero sana naman kumuha na lng sya ng inspiration out of my layout and make a new one..

Aaminin ko na ganyan din ako ...sa iba ako kumukuha ng inspiration...pero I will make my own.

yikes!!! nakabundol ka?? buti na lang ..gasgas lang.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.