Sun Cellular Etchos

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.17.2005 4:14 NH
Hindi ko alam kung ano'ng problema ng Sun Cellular pero talagang ginagalit nila akoh! Nagsimula ito ilang araw na ang nakalilipas. Tuwing tumatawag ako, palaging sinasabi Check Operator Services. Alam ko naman binayaran ni Mudra ang aking bill kasi lagi nyang sinasabi sa akin na may utang ako sa kanya dahil dito. Hindi ko naman masyadong pinapansin dahil minsan lang naman ako tumatawag.

Pero, kahapon, may appiontment ako sa isang prospektibong kliyente at nainis ako dahil hindi ko pa rin magamit ang telepono ko. Nakakapag-text ako pero hindi ako makatawag. Tapos kanina, mayroong mama na nagde-deliver ng package para kay Mudra mula sa NSO at walang iniwang authorization letter. Gusto niyang tawagan ko si Mudra para makausap nya na pwede kong tanggapin ang dala nya. Hindi pa rin gumagana! Smiley: Shakes head.

Tawag naman ako sa wakas sa hotline ng Sun Cellular. May mamang sumagot. Sinabi nga nya na wala naman daw problema sa billing. Tinanong ako kung nasa Line 1 ang aking phone settings at kung naka-off ang Fixed Dialling. Oo naman ako pagkatapos kong tingnan ang aking telepono. Sabi naman niya, i-reset ko raw ang aking telepono. Anoh?!? Iniisip ko yung Restore factory settings at siyempre di ako papayag pag ganoon. Loko ba sya?!?

Ibig pala niyang sabihin, patayin ko ang telepono ko at tanggalin ang battery at SIM. Pagkatapos ng 15 minuto, ibalik ko sila at buksan ang telepono. Sinigurado pa niya sa akin na gagana ito. Hu-whaat?!? Bakit ko pa kailangan tanggalin ang aking battery at SIM?!? Hindi ba pwede patayin ko na lang ang telepono ko ng 15 minuto? At bakit ganoon katagal?!? Napakabulok ba ng sistema nila na kailangan ng mahabang panahon para maayos ito?!? Pero sige. Dapat gumana iyon ha dahil ayaw kong mawawala ang oras sa aking telepono... Smiley: Mad.

So, hindi gumana yung sinabi ng bruhong iyon! Bwiset talagah! Tawag naman ako uli. Babae naman ang nakasagot. Bago niya ako tinulungan, nagtanong muna sya kung ano ang billing address at kung ano yung plan ng telepono ko. Nakapangaln kasi ito kay Pudra kaya kailangan niyang i-verify na authorized ako. Hindi man lang ako in-authorize ng lalakeng nauna! Hmph!

Authorized na nga ako. Walk-through kami ng steps sa phone ko. Masyadong mabilis nga lang yung mga direksyon nya pero nakasunod naman ako. Nadiskubre kong yung Send my caller identity ay naka-off at dapat palang naka-on ito. Di ko alam kung bakit napa-off iyon. Maraming nakikigamit ng telepono ko dahil may linya ito... Anyways, sabi pa niya, i-reset ko ang telepono ko. Inisip ko naman yung sinabi ng mama na tanggalin ang battery at SIM pero sabi naman ng babae, patayin lang daw ang telepono ng ilang minuto at bubuhayin uli.

Nagalit naman ako. Bakit iba yung sinabi sa akin ng lalakeng nauna? Kung tama ba naman mga pinagsasasabi niya, di sana hindi ako tumawag uli at ayos agad ang telepono ko. Tanong ko pa don sa babae kung kilala nya yung unang nakausap ko. Hindi raw at tinanong nya sa akin kung ano'ng pangalan nung mama. Dahil hindi nila sinasabi ang kanilang pangalan pag sumasagot sila sa mga tawag, hindi ko alam.

Maghuhurumintado pa sana ako pero naalala ko ang mga bagay na sabi ko sa sarili ko na dapat kong matutunan: pasensya at pagpapakumbaba. Natigilan naman ako. Hindi rin naman nya kasalanan kung tatanga-tanga yung lalakeng iyon. Sinabi ko na lang na sana i-train nila ng maigi ang kanilang mga tao. Tapos, nagpasalamat at nagpaalam na ako sa kanya.

Dahil dito, nadagdagan nanaman ang sama ng loob ko sa Sun Cellular. Mahigit 2 taon na akong subscriber nito pero kailangan pa rin nila ng maraming pagbabago. Una, wala silang signal sa probinsya namin sa Laguna. Pangalawa, ang hirap tumawag dahil sa 24/7 program nila. Biglang mapuputol ang linya habang nakikipag-usap ka, mahirap tumawag dahil "Network Busy" raw at minsan, nawawalan ng signal ang telepono ko tuwing peak hours. At, pangatlo, below average customer service.

Biruin nyo, meron silang feature na magbabayad ka ng dalawandaang piso (P200) para hindi paputol-putol ang linya at laging pasok ang tawag mo at hindi ka na magkakaroon ng "Network Busy" error. Ano bang klaseng feature 'yan?!? Hindi ba't dapat ganoon naman talaga ang kanilang serbisyo?!? Nako hah! Magtigil-tigil nga sila diyan! Hindi kami magbabayad para don!!! Siguro kailangan nila ng pondo pambayad don sa Jay-R na iyon na hindi naman kagwapuhan at mukhang goon para i-promote sila. Hmph! Smiley: Snob.

Ang moral ng istoryang ito: mas magaling lang talaga ang mga babae kesa mga lalake. Bwahahahahah! Smiley: Evil grin.

Maiba nga tayo. Mali pala ang pagbabaybay ko ng Enkantadia. Ang tama pala ay Encantadia. Yun lang. Hanggang sa muli!

Komento ni Lily

Sinulat noong 11.19.2005 1:54 NH
anak ng putakti! grabe naman yan Sun...ganyan din ang sinasabi ng mga ka-opisina ko eh. Bulok talaga sila

natawa ko sa komento about JR...wahahah Smiley: Grin.

Komento ni karla

Sinulat noong 11.21.2005 8:07 NH
ikinalulungkot ko ang iyong sinapit miko Smiley: Sticks out tongue.
hahahaha... tama! mukhang goon si Jay-R! Andami namang iba dyan hehehe
anyways, ako rin ay naka sun cellular pero di ko pa nararanasan macheck operator service. hehe
baka topak lang talaga lolz

Komento ni Sachi-San

Sinulat noong 11.24.2005 5:58 NH
Hehe, mga cellphone talaga, ganun yun ate!

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.