Online Banking Daw O

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.23.2005 6:37 NH
Nagpabukas ako ng account sa BPI kay Brother-dear noong nakaraang Biyernes (??? - kalimutan ko na kung kailan iyon). Wala naman talaga akong balak magbukas noon ngunit dahil palaging pino-promt na baguhin ang password sa online banking ng Equitable PCI Bank, kung saan meron din akong account, nakalimutan ko kung ano yung pinalit ko at hindi ko na ito mabuksan sa internet.

BPI naman yung pinili ko kasi yung host ko ay meron ding account doon at nabalitaan kong nanalo ang web site nito sa Philippine Web Awards. Akala ko madali lang ang online banking nito (kagaya sa Equitable PCI Bank) pero ako'y nagkamali!

Bago ka pa magpa-fund transfer, kailangan mo pang i-enroll ang account na pagdedeposituhan mo sa isa sa kanilang mga branch. Hindi mo ito pwedeng gawin sa internet ng basta basta lang. Argh! Kaya ko nga binuksan iyon dahil ayaw kong labas ng labas ng bahay at pumila kung saan saan para lang makapag bayad ng aking hosting bills. Kung lalabas ako, gagastos ako ng pamasahe, pagkain, tapos baka mawili pa ako at mag-shopping... Malaking gastusin iyon... Kaya sa internet ko gustong gawin ang aking mga transaksyon. Talagang ginagalit akoh! Smiley: Blowing up in anger.

Ano ba ang dahilan kung bakit sila nanalo sa Philippine Web Awards?!? Siguradong hindi ito dahil sa convenience. Hwag mong sabihin dahil ito sa kanilang disenyo. Excuse me! Hindi siya kagandahan noh! Yung JavaScript navigation nga nila e hindi gumagana sa Opera browser ko e! Nag-o-overlap ang mga link items nila sa isa't isa at halos hindi mo sila mabasa. Bhaket sila nanalo, vhakhet?!? Smiley: Shocked.

Hay, nako. Maghahanap na lang ako ng ibang paraan para ma-access ko uli ang aking online account para sa Equitable. Tumawag ako sa kanilang customer service hotline at meron pa raw akong 3 pagkakataon para hulaan ang aking password. Susubukan ko uli kung gumagana ang mga kadalasang gamit ko... At hindi pa rin gumagana... Mukhang pupunta ako sa bangko kung saan ko in-open ang aking account para makapasok ako uli... Smiley: Sad.

Walang kinalaman ito sa pinagsasabi kanina pero gusto ko lang ibahagi sa inyo dahil natuwa ako noong nalaman ko na merong nakapunta dito na nagmula sa Google gamit ang keywords na "mga bold na laraWAN NG MGA SEXY BABAE". Bwahahahah! At nasa unang pahina pa ang PUTAK! Gusto ko lang ipaalam sa inyo na meron ngang sexy na babae rito *ahem* ngunit walang larawan na naka hubo o hubad dito. Isa itong wholesome na web site.

Yun lang. Hanggang sa muli!

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.