Bokabularyo Ni Miko

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.29.2005 5:50 NH
Marami sa aking mga kakilala ang nagsasabing kakaiba akong magsalita. Bukod sa may ala-Nora Aunor akong punto, ang bokabularyo ko ay magkahalong "gay language" at slang. Pero kahit ganoon ako, sa di mapaliwanag na dahilan, naiimpluwensyahan ko ang aking mga nakakasama na gamitin din ang kakaiba kong lenggwahe.

Bago tayo mag-umpisa, alalahanin ninyo na ako'y isang mapanlait na tao Smiley: Evil grin. Ito na ang ilan sa mga salitang ginagamit ko, ang ibig sabihin nito at, kung posible, ang kanyang pinag-mulan...

Anacondas. Sa diksyonaryo, isa itong malaking ahas. Sa akin naman, isang nilalang na inaahas ang taong meron nang katipan. Mang-aagaw ng boyfriend o girlfriend.

Baklah! Tawag ko sa aking mga malapit na kaibigan babae man o lalake o tunay na bakla. Siyempre, kung hindi ko ka-close yung taong sinasabihan ko nyan, baka ma-offend, diba?

Baks. Pinaiksing salitang "bakulaw". Madalas na ginagamit sa mga panget na lalake.

Danding. Taong kailangang gumamit ng Nizoral o Head & Shoulders shampoo dahil mayroon siyang balakubak. Nagmula sa salitang "dandruff".

Day-off. Mukhang katulong o promdi o mapanget na babae. Ibig sabihin ng normal na salita na "day-off" e isang araw na bakasyon. Ito'y madalas na benefits ng mga katulong. Wala pa akong nakikitang magandang katulong kaya kung nakakakita ako ng mga taong, hindi kagandahan na namamasyal, ito ang tawag ko sa kanila.

Engs. Engot. Tanga.

Girlalush. Babae.

Hali. Taong may bad breath. Siyempre, nakakatulong din na merong salitang "halitosis" pero hindi yon ang nasa utak ko noong naimbento ko ito. Nagmula ito sa salitang "halimaw". Kung iisipin ninyo, ang halimaw ay nakakatakot. At kung tsine-check mo ang iyong hininga, ika'y nagha-"hah" na siya ring unang syllable ng salitang "halimaw". Kaya, doon nagmula ang salitang ito - nakakatakot na hininga.

Hammer. Pokpok. Duh!

Mudra. Nanay.

Pudra. Tatay.

Syota. Madalas ito ang gamit ng mga Pilipino para itawag sa kanilang kasintahan. Pero sa akin, pang insulto ito. Hindi nyo ba alam na nanggaling ang salitang ito sa "short time"? Kaya ang salitang ito ay para lang sa mga taong malalande at pang "one night stand" hammers.

Ang mga salitang nasa itaas ay iilan lamang sa makulay kong bokabularyo. Inilista ko lang ang aking madalas na ginagamit. At dahil ako ay egomaniac, tinatawag ko silang "Mikospeak". Hanggang sa muli!

Komento ni karla

Sinulat noong 12.07.2005 11:19 NH
hahahaha Smiley: Grin.
da best ung danding ah hahaha tsaka yung hali haha di mashado halata Smiley: Sticks out tongue.

Komento ni Otro

Sinulat noong 01.17.2006 2:38 NH
He he he magdagdag ka pa ng bokabolaryo para may mabasa pa ako....more powers!!!

Komento ni Chevee

Sinulat noong 04.03.2006 6:00 NH
mwehehe, yung "day-off" ganyan din ang gamit ko XD Yan din ang tawag ko pag nakakita ako ng pareho silang pangit, mukhang maid saka houseboy =D

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.