Mga Engs
[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 12.10.2005 8:29 NH
Talaga nga namang ginagalit ako ng ibang mga taong napaka engs. Paano ba naman kase, may nagkomento sa aking site na Self-Destruct.NET na wala raw masyadong "stuff" doon.
Ano ba ine-expect niya? Sa titulo pa nga lang ng aking site, "Self-Destruct.NET - The blog of Miko Reznor", alam mo na kung ano ang dapat mong makita. Blog. Mayroon akong mahigit sa 100 entries doon. Ano pa ang gusto niya?
Eh! Hayaan na nga yung tatanga-tangang taong iyon! Baka mahina lang talaga ang comprehension skills nya. Hmph! Dahil ako'y isang egomaniac, kaligayahan kong magkwento tungkol sa sarili ko at ang Self-Destruct.NET ang lugar para dito.
Wala akong pake kung walang bumibisita roon o kung nababagot doon ang mga tao. Hindi sila importante. Ako lang! Mwahahahahah!
Meron pang isa... Aargh! Nag download siya ng isa sa aking mga disenyo sa Blinding-Light.COM at kinukulit ako dahil alam lang niyang baguhin yung nilalaman ng index.html na file pero kung magdadagdag siya ng page na may kaparehong disenyo, hindi na marunong.
Napakahirap bang mag copy/paste o kaya mag Save File As...?!? Ang gagawin lang naman e buksan ang index.html. Punta ka sa File > Save File As... Type mo yung file name at i-save. Siguraduhing na-save yung bagong file sa folder kung saan naroon ang index.html. Baguhin yung parte kung saan may nakalagay na <!--CONTENT HERE-- >. Save uli. Tapos!
Hindi ko maintindihan kung paano naging mahirap iyon! Ipaliwanag nyo nga sa akin! Mahina din siguro ang comprehension skills nya.
Tapos, yung host ko nagpadala uli sa akin ng bill. Nag order kasi ako ng domain para sa aking kliyente. Binayaran ko na ito noong ika-25 ng Nobyembre kasabay ng pag-renew ng Blinding-Light.COM. P660/taon yung isang domain. Kaya P1320 yung binayad ko para sa 2. Naipaliwanag ko na ito sa kanila pagkatapos kong magbayad. Nakatanggap pa nga ako ng confirmation na na renew na ang Blinding-Light.COM at na register na ang bagong domain.
Kaya nga laking galit ko nung natanggap ko ang "follow-up bill" na ipinadala nila para sa bagong domain e. Para bang pinapalabas nila na delingkwente ako! Hello! Yung extrang P660 na binayad ko ay hindi tip o donasyon, noh! Ano sila? Sinuswerte?!?
Ngayong nagugustuhan ko na uli ang aking host, gumagawa nanaman sila ng kapalpakan. Nakuuu!!!
Hay. Naalala ko nanaman ang dapat kong matutunan: pasensya at pagpapakumbaba. Kailan ko kaya magagawang maisama ang mga ito sa aking mga katangian?

Komento ni Lily
Sinulat noong 12.13.2005 2:17 NH
ano ba yun!!! napa-ogag naman!!! sino ba hindi maasar...kung ako sayo...maasar din ako...napakahina ng komprehensyon ha!!!
Nakakandadong Artikulo
Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.