Ang Sinapit Ni Blitzwing

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 12.25.2005 10:28 NH
Walang duda. Ito na ang pinakamalungkot na Paskong naranasan namin. Paano ba naman kasi, nasagasaan noong nakaraang Huwebes ang isa sa mga Putakers na si Blitzwing. Tumatawid siya papuntang Metrobank sa Alabang-Zapote Road nang biglang bumuhos ang mga sasakyan at pininahan siya ng driver ng taxi na may plate number na PYN 422 ayon kay Mudra. Garay ang pangalan ng nagmamay-ari nito.

Ang nakakainis pa rito, noong nabundol siya, dinala siya sa napakalayong hospital dahil walang pera ang driver at libre lang doon. Inuwi pa siya pagkatapos makita ang doktor. Pinagpilitan pa ng driver sa amin na 5 araw lang daw na pahinga ay magaling na siya. E nung nakausap ni Pudra yung doktor, kailangan pala siyang operahan agad.

Dahil Pasko na nga, siya lang yung doktor na available para siya operahan. Tumawag si Mudra sa Asian Hospital And Medical Centre pero yung mga doktor na nag-oopera ay nakabakasyon daw. Kung lagnat-lagnat lang daw, marami silang doktor pero wala sa mga komplikadong karamdaman. Doon tuloy kami napunta sa Las Pinas Doctors Hospital. "Big Private" ang kinuha naming kwarto pero mga 2/3 lang iyon ng "Small Private" sa Asian Hospital. Nakuuu!!! Smiley: Mad.

Eto pa ha, yung operator ng taxi, mali yung binigay na telepono sa amin noong nag-usap sila ni Mudra. Di umano, masyado raw siyang naguluhan dahil ang dami nga raw niyang problema kaya nagkamali siya sa pagbigay ng kanilang telepono. Nakuha naman namin ang kanilang tunay na telepono at noong makausap ay 5000 lang daw ang kanilang pera at 'yon lang daw muna ang ibibigay sa amin.

At, ang driver na nakasagasa sa kanya ay namamasada pa rin hanggang ngayon pero tricycle naman. Wala raw pera at kung pwede raw pagtrabahuhan nya ito. Ano siya? Lahat ng mga kumpanya ay nirerequire na lahat ng empleyado nila ay may "good moral character". Sa tingin ba niya e hahayaan namin siyang magtrabaho para sa amin?!? Wala man lang siyang karespe-respeto sa mga tao. Gaano kahirap ba naman ang pumreno ka?!? Talagang sinadya niyang sagasaan si kapatid ko. Meron pa siyang, "bumulaga lang siya" dyan. Kalaking tao ng kapatid ko, paanong hindi nya ito makikita?!?

Sabi nga ni Pudra, tatapusin muna namin ang pagpapagaling kay Blitzwing at saka namin sila hahabulin. Hindi naman sa can't afford kami (swerte pa nga sila hindi kami sa Asian Hospital napunta e) pero maligalig na nagpapasko ang driver at ang operator ng taxi habang kami ay nasa ospital. Dapat nga pupunta kami sa Hong Kong bukas at babalik hanggang 31 pero hindi natuloy dahil sa kanila. Kakarmahin din sila. Sana nga maipakulong ni Pudra ang kriminal na iyon Smiley: Snob.

Ito ang mga litrato para makita nyo ang kanyang sinapit...

Ganito ang hitsura ng kanyang x-ray. Kitang kita na durog na durog ang kanyang balikat.

Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog


Pagkatapos siyang operahan, ganito na ang kinalabasan ng kanyang x-ray. Sana nga raw e yung metal na may screws ang ilalagay sa kanya ngunit noong nabuksan ng doktor ang kanyang balikat, wala raw makakapitan iyon dahil sirang sira ang kanyang mga buto. Kaya isang mahabang metal na lang ang itinusok sa kanya para pansamantalang suporta sa kanyang balikat. Mga 3-4 na linggo pa bago ito huhugutin sa kanya.

Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog


Kinuha ito bago palitan ang benda nya sa kanyang sugat. Ito ang hitsura sa likod ng metal na isinuot sa kanya. Sabi nga nya, mukha siyang Taguro (yung kaaway sa Yu Yu Hakusho na ex-boyfriend ni Genkai) na 100%.

Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog


Ito naman ang front view ng kanyang sugat. Yung may tape yung stitches nya. Makikitang bugbog na bugbog ang kanyang laman. Kakaiyak Smiley: Crying.

Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog


Pagkatapos linisin ang kanyang sugat, binalik na uli ang benda nito. Sobrang haba ng nakausling bakal sa kanya. Kasing laki ng aking hinlalaki.

Hay nako. Sana mas maligaya ang inyong Pasko. Ipagdasal nyo na lang si Blitzwing na gumaling agad. Salamat!

Komento ni Euri

Sinulat noong 12.27.2005 5:43 NH
Ngek...

Yun namang kaibigan ko, ayaw i-admit sa hospital kasi daw, natutulog si doc. X_x

Komento ni Lily

Sinulat noong 12.31.2005 11:17 NU
OH GOD!!! ano ba yan!!!! anong klaseng mga taong eto! I will pray for his fast recovery.

Komento ni xian

Sinulat noong 01.22.2006 6:44 NH
masaya ako nung nkatext ko si Blitzwing at nsabi nga nyang ntanggal na ang bakal nitong linggo lang na ito. nabilib ako sa ligalig mong ipakita ang mga larawan.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.