Puk-Putakan Nanaman!
[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 02.23.2006 5:02 NH
Hay, nako. Matagal na rin akong hindi nakakaputak. Masyadong marami kasi ang mga pangyayari at hindi na ako nagkaroon ng panahon para dito. Mahabang istorya ito...
Pero, bago ang lahat, gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng mga nagmensahe sa akin at nagbigay ng kanilang suporta. Salamat!
Noong huli, naikwento ko na may doktor na nagsabing may TB ako. Pumumta kami ni Mudra sa isa pang doktor. Sabi ng isa pang doktor na iyon, hindi raw accurate and skin test na ginawa sa akin ng unang doktor at dahil wala kaming x-ray na dala, hindi talaga niya masasabi kung meron nga akong TB o wala. Kaya ang ginawa namin, nagpa x-ray uli kami at nagbayad si Mudra para sa sputum test na mas accurate daw.
Sa sputum test, dapat akong bumalik sa klinika ng 3 araw para lang ibigay ang aking plema. Ang problema, wala akong ubo o sipon kaya nahihirapan akong maglabas ng plema. Puro laway lang. Ilang beses na rin akong pabalik-balik sa klinika para ibigay ito pero wala talaga. Galit na galit pa nga sa akin si Mudra dahil napakadali lang daw nito gawin.
Hello! Yung girlalush na nga ang nagsabi na mahirap daw talaga ito kung wala kang ubo o sipon. Sabi rin ng doktor kong pinsan na meron pang espesyal na makina para dito at walang ganoon ang maliit na klinikang pinuntahan namin.
Kaya sa sunod na pagbalik namin sa aking doktor, x-ray lang ang dala namin. Nakita sa x-ray na may TB exposure nga ako kaya lang minimal. Pwedeng makuha ng gamot.
Si Mudra, pinagpipilitang nagpatingin daw ako sa doktor noong nagsimula akong magtrabaho at wala naman daw nakita. Ahem, Mahigit 2 taon na rin iyon anoh! Maraming pwedeng mangyari noh! At, nagmamarunong nanaman siya, sinabi na wala raw namang problema kung titingnan nya ang x-ray. Tinawanan siya ng doktor (hindi ko alam na pwede mong tawanan ang ibang tao na hindi nagmumukhang nilalait mo siya pero nagawa niya) at sinabing hindi lang siya sanay at hayaan ang mga propesyonal mag-interpret nito. Sabi rin niya, hindi raw computer ang dahilan kaya ganito pero hindi niya maipaliwanag kung paano ko ito nakuha.
Ang teoriya ko naman kung bakit ko ito nakuha ay dahil sa sobrang dami ng nalalanghap kong usok sa tagal kong pagko-commute at pakikihalubilo sa mga kaibigan kong naninigarilyo.
Nirisetahan ako ng 3 magkakaibang gamot at 5 pills (3 pare-pareho at 2 magkakaiba) ang iniinom ko bago ako mag-almusal. Kakaiba pa ang side-effects ng mga ito: mamumula ang aking ihi, dadalas ang aking bowel movement at makakaramdam ako ng pagduduwal. 2 buwan kong titiisin na inumin ang gamot na ito at babalik ako sa doktor. Tapos, babawasan daw ang gamot at 4 na buwan ko raw iinumin iyon. Kaya 6 na buwan bago ako gumaling.
Nung nalaman ko na talagang meron akong sakit, na-depress ako. Dapat magsisimula na akong magtrabaho pero jogsak ako sa medical. Nalungkot ako sobra...
Pero, ang hindi ko talaga inaasahan ay kung paano nanghina ang aking baga. Noong araw ng stampede sa Wowowee, nag-iihaw si Mudra tapos sobrang usok sa bahay. Ang katumbas ng ilang minuto na paghinga sa usok na iyon ay ilang oras na walang tigil na ubo. Gusto pa nga akong dalhin sa ospital ni Pudra pero 'di ako pumayag dahil usok lang ang sanhi nito. Kailangan ko lang makahinga ng sariwang hangin. Pero grabe talaga iyon. Wala akong magawa kundi umiyak dahil hindi ko talaga mapigilang umubo ng umubo.
Sunod naman, nag-golf kami ni Pudra sa Laguna habang umuulan. Pagod na pagod ako noon. Diba pag pagod ka, mabilis ang paghinga mo? Siguro, napagod din ang baga ko dahil habang nagmamaneho ako pauwi, sumakit ang aking dibdib. Nasa gitna kami ng highway noong nagsimula itong sumakit. Tapos pasakit na nag pasakit hanggang sa hindi ko na matiis at sinabi ko na kay Pudra. 40 km/hr lang ata ang takbo ng kotse ko noon dahil wala na ang concentration ko at noong mga panahong iyon, gusto ko lang kumulubot sa sakit. Nagpalit lang kami sa pag-drive pagkalampas ng Filinvest exit.
'Yon ang mga pinagdaanan ko dahil sa TB na ito. Ayos naman ang lagay ko ngayon. Kailangan ko lang umiwas sa usok at sobrang pagod.
Ang naisip ko lang na kabutihan na dulot ng sakit na ito ay nakasakay ako ng eroplano at nakapunta sa Boracay kasama ng aking mga pinsan na si Tim at Chris.
Umuwi kasi galing Chicago ang panganay na kapatid ni Mudra na si Tita Christy kasama ang kanyang anak na si Christopher. Dahil gusto ni Chris na makapunta sa Boracay (siyempre 'di siya makakapunta don ng mag-isa), si Tita Christy ang nagbayad sa aming eroplano papunta at pabalik doon.
E kung wala akong TB, may trabaho ako at dahil baguhan lang ako, hindi ako makakakuha ng leave para sa trip na iyon, daba?
Ayos naman doon. Pugnaw nga ang baon kong 5 libo. Bayad pa nga lang sa mga terminal fee, pamasahe at sa tutuluyan namin, halos 2 libo agad. E, sosyal kami at lagi pa kaming kumakain sa labas. Pasalubong pa. Ayun, wala na!
Marami pa nga kaming napuntahan ni Chris kaya lang tinatamad na akon ikwento. Punta na lang kayo sa Self-Destruct.NET para makita ang mga litrato namin sa aming paglalakbay.
Nognog na nga pala ako ngayon. 3 araw ba namang nakabilad sa beach. Ililista ko ang plano ko para bumalik ako sa dati kong kulay:

Kung meron pa kayong alam na ibang paraan na pampaputi, magkomento lang kayo sa putak na ito. Hanggang sa muli!Bibili ako ng "whitening" products at pupurgahin ko ang sarili ko gamit ang mga ito.
Hindi ako lalabas kung may araw pa at maglalagay ako ng makapal na kurtina sa aking kwarto para hindi na ako maarawan.
Dahil wala kaming bath tub, pagkakasyahin ko ang sarili ko sa isang timba na puno ng gatas at magbababad ako doon.
Nakakandadong Artikulo
Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.