Kategoriya Dinagdag

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 03.06.2006 4:44 NH
Sabi ko nga dati may balak akong maglagay ng mga kategoriya dito sa Putak. Sa wakas, nangyari na ito. Makikita nyo ang mga ito sa inyong kaliwa. Mahahalata nyo rin na wala nang mga ? at & ang mga URL dito. Ginawa ko iyon para maging search engine-friendly ang site na ito.

Sa ngayon, gumagawa ako ng paraan para pataasin ang seguridad ng aking mga web site. Alam nyo bang na-hack ang message board ng Blinding-Light.COM? May nakialam sa mga database nito. Ok lang naman dahil wala masyadong tao ang nag-register doon. Susubukan kong hindi na gumamit ng mga open-source na script. Diyan nagsisimula ang mga hackers na iyan e. Kaya ngayon, wala munang message board ang Blinding-Light.COM.

Hindi ko pa sigurado kung papalitan ko iyon ng sarili ko... Iniisip ko pa lang kung paano gawin, napapagod na ako. Hay... Tingnan na lang natin...

At, alam nyo ba, nagkaroon ako ng kliyente. Tunay na tunay siya. Hindi kagaya nung dating Mama na pinabili lang ako ng domain niya at hindi na ako hinagilap pagkatapos noon.

Yung ngayon, nagbayad na siya ng buo. Yung kabuuang binayad niya sa akin ay $35 na Amazon gift certificates. Nagastos ko na nga e. Bwahahahah! Meron din kasi akong $5 mula noon doon sa isa pang Mama na bumili ng advertising space sa Blinding-Light.COM. So mga $40 ang mga gift certificate ko sa Amazon.

Nagastos ko na nga ang mga $13.47 noon dahil bumili ako ng DVD ng What Dreams May Come. Katangahan ko nga e pina-ship ko dito sa Pilipinas kesa sa mga kamag-anak namin sa States. Meron pa namang uuwi sa kanila dito ngayong Marso. E di sa ika-12-27 pa ng Abril ko makukuha iyon. Sinubukan kong i-cancel ito pero hindi na raw pwede dahil nire-ready na raw nila ito para i-ship. Hay... Mas nakatipid pa sana ako sa shipping... Kung sabagay, buti nakaranas akong magpa-ship dito, daba?

Hay, nako. Hindi man lang ako masyadong pinagpawisan pero nakakita ako ng ganoong halaga. Ang saya, diba? Hehe Smiley: Smile.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.