LINTA

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.24.2004 4:18 NU
PUTANG INA!!! Smiley: Blowing up in anger.

Hindi lang ako galit! Sasabog na ako sa sobra ng sama ng loob koh!!! Paano ba naman kase, gumawa ako ng "Memo Pad" para sa trabaho ko. Isang parte kasi ng trabaho e ang mag "document" ng mga pinaggagagawa mo sa mga account ng kliyente namin. Minsan, pare-pareho na lang ang mga ginagawa namin kaya paulit-ulit lang ang mga tina-type namin sa aming Notepad. Sa "Memo Pad" na ginawa ko, pipili ka lang sa mga listahan ng mga scenarios at pupunan mo na lang ang mga values na kailangang punan. Tapos, pwede mo pang i-save ang iyong ginawa. Gumamit ako ng PHP at MySQL para gawin iyon.

Sa orihinal na "Memo Pad" na ginawa ng IT Department ng opisina namin, isa lang siyang ordinaryong form at hindi mo siya pwedeng i-save. Magco-copy at paste ka pa sa Notepad mo bago mo mai-save. O, diba, mas maganda ang aking bersyon?

Sariling sikap ko lang yung paggawa ng "Memo Pad" na iyon. Hindi ako binayaran para gawin iyon. Sa kasalukuyan, nandoon siya sa aking isang domain, Self-Destruct.NET. Siyempre, binabayaran ko ng PhP900 kada buwan iyon para lang ma-maintain.

Ako ay mapagbigay na tao kaya nai-share ko ito sa aking mga ka-team at kaibigan. Nakigamit din naman sila... Absent ako ng Miyerkules dahil ako ay nagkasakit Smiley: Wink.... Pagbalik ko, nalaman kong naging "chatroom" ang aking "Memo Pad"! Nag-post naman ako at sinabi kong bawal mag-chat. Sinabi ba namang:

monica madamot!ayaw magpa chat! para P900 lang mo.. dammit! ang cheap1

At hindi pa natapos doon iyon! May nagsabi na bawal mang-away! Hindi pa rin tumigil at sinabi:

anong bawal mangaway! madamot ka monica! mag tae ka sana ng nana!

PUTANG INA!!! Smiley: Mad. Smiley: Shakes head. Smiley: Blowing up in anger.

Pinalitan ko nga ang password para hindi na makapag-post ang mga walang hiyang iyon! May kutob akong ka-team ko ang nagsabi ng mga nakakasuklam na mga bagay na iyon e dahil yung mga kaibigan ko, harapan kung tumira.

Aba! At maya-maya lang, nakatanggap ako ng email at sinasabing madamot ako na hindi man lang nag-share ng aking kaalaman!

Share? Share?!? Lintek na ingratoh! Uulitin ko, HINDI AKO BINAYARAN PARA GAWIN IYON. AKO PA NGA ANG NAGBABAYAD PARA LANG MAGAMIT NILA IYON. NAKAKAISIP PA AKO NG MAS MARAMING PARAAN PARA MAGPALIPAS NG ORAS PERO IYON ANG GINAGAWA KO PARA MAGAMIT NINYO. Tapos gaganyanin lang akoh! Hwag mong sabihing cheap ang 900 hah! Isang beses ka nga lang magbabayad ng 300 para sa team building hirap ka nang ilabas, 900 pa kaya kada buwan!

Tigil-tigilan ako hah! As soon as you realize na HINDI KO OBLIGASYON NA GAWAN KAYO NG MEMO PAD, magkakaayusan na tayo... Smiley: Snob.

Komento ni Mia

Sinulat noong 07.27.2004 4:15 NU
Ay nako!!! Talagang may problema ang mga co-workers mo >.> ginawa mo ang easier way para maraming work nga ay ma completo pero tatawagan ka lang ng damot O_o talagang may problema sila!!! Sana kainin nila ang mga sinabi nila sa iyo kasi hindi iyan toto-o Smiley: Shakes head.

Komento ni NINJeremy

Sinulat noong 08.13.2004 9:39 NU
Ano sapakin ko na ba?

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.