Lagas
[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.23.2006 12:14 NU
Dahil mage-expire na ang Self-Destruct.NET sa ika-28 ng Mayo ngayong taon, naisipan kong gawin ito ang ipalit doon. Kaya asahan nyong may mga isusulat ako ditong Ingles. Pasensya na dahil minsan ay nahihirapan akong magsulat sa wikang Tagalog.
Nahahalata nyo bang unti-unti nang nanlalagas ang mga graphics site ngayon? Inumpisahan ito ng Akutenshi (sans-amour.net) noong ika-17 ng Mayo taong 2006. Ito ang nakalagay sa kanilang web site:
seabreazed.org
autumn-storm.net
bd.thought-less.net
aq.frozen-rain.net
mycurry.net/seven
zabimaru.net
ed.myprayerbeads.org
dhaatri.com/Surabhi
hari.ensatsu.net
sonatina.irihi.net
Iyon lang ang ilan sa mga nalalaman ko base sa Extreme Tracker ng Akutenshi. Marami pang iba ang nakikita kong gumagaya sa kanila at nag-strike.
Nagrereklamo sila dahil may gumaya ng kanilang estilo?!? Talaga lang, hah? Ay, isang disenyo na may litrato sa taas at sa baba nito ay may nabigasyon sa gilid katabi ng nilalaman ng web site. Napaka orihinal talaga! Sila lang ang nakaisip noon. Dapat walang gagaya!
Tigilan nga nila akoh! Ano bang kahibangan ang naiisip nila? Ano ba'ng gusto nilang palabasin? Nagpapaimportante?
O, sige. Inaamin ko na meron silang karapatang ipahayag kung ano man ang nais nilang sabihin pero ano pa bang inaasahan nila? Kagaya sa tunay na buhay, ang internet ay meron ding masasamang tao. Sa tingin ba nila ang internet ay mundo kung saan palaging may kasiyahan at lahat ng tao ay nagkakasundo at sumusunod sa mga TOS? Kung ganoon ang iniisip nila, mabuti pang hwag na lang silang gumawa ng web site.
Nakapunta na rin naman ako sa ilan sa mga web site na iyon at nakita ko na ang kanilang mga sinasabing "estilo" at ang masasabi ko lang, hindi ako namangha. Kaya ayos lang na mag-strike sila. Kung gusto nila, hwag na silang bumalik! Hay, nako, napakarami namang higit na mas magandang web site sa kanila kagaya ng DDG at Aethereality. Kaya hindi sila kawalan! Kita nyo, ni-link ko ang 2 site na iyon dahil sila ay karapat-dapat i-link!
Lalong hindi rin naman ako magii-strike dahil sa mga dahilang ito...
Una, kaligayahan ko ang Blinding-Light.COM. Hindi ko siya ginawa para ma-appreciate ako ng mga tao. Ginawa ko ang Blinding-Light.COM para aliwin ang sarili ko at pampawala ng stress na dala ng araw-araw na pamumuhay. Ganoon kasimple. Hindi ako gumagawa ng web site para magpapansin at humingi ng papuri sa mga tao. Hinding hindi ko sasabihin na, "I am sick of being unappreciated," kagaya ng iba diyan! Masyado nang mataas ang kabayong sinasakyan ko kaya hindi ko na kailangang magtayo ng web site para lang ma-boost ang aking ego.
Ikalawa, nagbabayad ako kada 3 buwan para sa hosting at kada 1 taon para sa domain name ng Blinding-Light.COM. At kahit hindi ko ginagamit ang space na iyon, magbabayad pa rin ako. Bawat araw na sarado ang web site ko, nawawalan ako ng pera. Siguro ayos lang iyon sa mga nasa libreng host pero hindi ako magsasayang ng kwarta para lang "pansamantalang" isarado ang site ko.
Ikatlo, mayroon akong mahigit sa 10,000 bisita bawat buwan sa Blinding-Light.COM at naghirap akong pasikatin ang site ko ng ganoon. Kung ikukumpara ko ang bilang ng mga nahuli kong hindi nagbibigay ng credit o hindi sumusunod sa aking TOS sa dami ng mga bisita ko, walang wala iyon sa kalingkingan nito. Kung magii-strike ako, para na ring iniinsulto ko sila dahil nagmumukhang pinagbibintangan ko silang nagbabalak na magnakaw o nagnakaw sa akin.
At ikaapat, hindi ako naniniwalang may patutunguhan ang strike na iyan. Alam ko namang kahit mawala man ang mga magnanakaw ngayon, meron pa ring susunod na henerasyon ng mga magnanakaw diyan. Isa itong walang-katapusang siglo ng buhay. Alam kong masyadong negatibo ang panananaw na iyon pero ganyan talaga ang life. Hindi mauubusan ng mga kontrabida. Sa Ingles, "lost cause" ang tawag.
Hrrmmm... Lahat na ba iyon? Wala na akong maisip e.
At meron ding nag-strike na hindi man lang pinaninindigan. Mga isang linggo lang daw sila magii-strike tapos babalik din daw sila. Hindi rin natiis. Hay. Siguro dapat may magpaliwanag sa kanya kung paano ginagawa ang mga strike. Natatapos lang ito pag may napagkasunduan na ang dalawang panig. Pero dahil mukhang mauuna pa siyang bumigay. Respeto daw ang hinihingi nila pero paano mo naman rerespetuhin ang ganoong klaseng tao na bulag na sumusunod sa mga nakararami tapos titigil din?
Merong ibang nagsasabi na ang mga taong hindi sang-ayon sa strike na iyan e ayos lang na manakawan. Hindi ganoon. Basahin uli ang aking mga dahilan at intindihing mabuti.
At sa totoo lang, hindi ko na rin pinapansin masyado yung mga hindi sumusunod sa aking TOS. Minsan, kung sinisipag ako, ine-email ko sila na bigyan ako ng credit o tanggalin nila ang ginawa ko sa kanilang site. Hanggang doon na lang. Kung hindi sila nakinig sa akin, bahala sila. Hindi ko na dinidibdib ang mga bagay na iyon. Iniisip ko na lang na kakarmahin sila balang araw. Sakit lang ng ulo ang hinahanap ko kung hahabulin ko pa sila. Basta masaya ako sa mga pinaggagagawa ko sa Blinding-Light.COM. Tapos.
Siguro nga nagkakasakit na ang mga taong iyon dahil ang daming hindi nakaka "appreciate" sa kanila. Kawawa naman. Kung ganyan ang pamamaraan nila sa pagharap sa kanilang mga problema sa internet, ano pa kaya ang gagawin nila kung meron silang problema sa totoong buhay? Magkukulong na lang ba sila sa kwarto at hindi na lalabas? Hay nako, hayaan na lang sila sa gusto nilang gawin. 'Yon lang ang masasabi ko. Bow.

Sa paglabas nito, marami na ring mga web site ang sumunod kagaya ng...REBELLION! HAHA!
If you're reading this, you're probably wondering why all of us are on strike. So why?
Simple. We are sick of all the crap. We are sick of being unappreciated, sick of having our stuff stolen, sick of having our styles being whored to hell and back and getting it thrown in our faces, sick of certain people telling us what to and what not to do when they have no clue what the hell's going on, and sick of not getting the respect we deserve.
So, obviously, since we are so unuseful to the web, only a nuisance that can be dealt with, we are kindly helping you do the job by removing ourselves from the face of existence. How do you like it now when we're not there for you to freely abuse?
An apology to everyone this inconveniences that doesn't do any of the above--you are far and few in between, and you are the reason why we have these sites in the first place. But a statement needs to be made.
So when will we be back? Will we be back at all? That's for us to know and you to find out.
No love,
Abused webmistresses of graphics sites
[edit] We do not claim that we are trying to end anything. Not the stealing, not the copying, not anything you say we're trying to stop. But this strike is about having a voice, the right to have an opinion, and the discontent that our opinion isn't respected. We're not trying to change anyone's minds; we are just expressing our own.
seabreazed.org
autumn-storm.net
bd.thought-less.net
aq.frozen-rain.net
mycurry.net/seven
zabimaru.net
ed.myprayerbeads.org
dhaatri.com/Surabhi
hari.ensatsu.net
sonatina.irihi.net
Iyon lang ang ilan sa mga nalalaman ko base sa Extreme Tracker ng Akutenshi. Marami pang iba ang nakikita kong gumagaya sa kanila at nag-strike.
Nagrereklamo sila dahil may gumaya ng kanilang estilo?!? Talaga lang, hah? Ay, isang disenyo na may litrato sa taas at sa baba nito ay may nabigasyon sa gilid katabi ng nilalaman ng web site. Napaka orihinal talaga! Sila lang ang nakaisip noon. Dapat walang gagaya!
Tigilan nga nila akoh! Ano bang kahibangan ang naiisip nila? Ano ba'ng gusto nilang palabasin? Nagpapaimportante?
O, sige. Inaamin ko na meron silang karapatang ipahayag kung ano man ang nais nilang sabihin pero ano pa bang inaasahan nila? Kagaya sa tunay na buhay, ang internet ay meron ding masasamang tao. Sa tingin ba nila ang internet ay mundo kung saan palaging may kasiyahan at lahat ng tao ay nagkakasundo at sumusunod sa mga TOS? Kung ganoon ang iniisip nila, mabuti pang hwag na lang silang gumawa ng web site.
Nakapunta na rin naman ako sa ilan sa mga web site na iyon at nakita ko na ang kanilang mga sinasabing "estilo" at ang masasabi ko lang, hindi ako namangha. Kaya ayos lang na mag-strike sila. Kung gusto nila, hwag na silang bumalik! Hay, nako, napakarami namang higit na mas magandang web site sa kanila kagaya ng DDG at Aethereality. Kaya hindi sila kawalan! Kita nyo, ni-link ko ang 2 site na iyon dahil sila ay karapat-dapat i-link!
Lalong hindi rin naman ako magii-strike dahil sa mga dahilang ito...
Una, kaligayahan ko ang Blinding-Light.COM. Hindi ko siya ginawa para ma-appreciate ako ng mga tao. Ginawa ko ang Blinding-Light.COM para aliwin ang sarili ko at pampawala ng stress na dala ng araw-araw na pamumuhay. Ganoon kasimple. Hindi ako gumagawa ng web site para magpapansin at humingi ng papuri sa mga tao. Hinding hindi ko sasabihin na, "I am sick of being unappreciated," kagaya ng iba diyan! Masyado nang mataas ang kabayong sinasakyan ko kaya hindi ko na kailangang magtayo ng web site para lang ma-boost ang aking ego.
Ikalawa, nagbabayad ako kada 3 buwan para sa hosting at kada 1 taon para sa domain name ng Blinding-Light.COM. At kahit hindi ko ginagamit ang space na iyon, magbabayad pa rin ako. Bawat araw na sarado ang web site ko, nawawalan ako ng pera. Siguro ayos lang iyon sa mga nasa libreng host pero hindi ako magsasayang ng kwarta para lang "pansamantalang" isarado ang site ko.
Ikatlo, mayroon akong mahigit sa 10,000 bisita bawat buwan sa Blinding-Light.COM at naghirap akong pasikatin ang site ko ng ganoon. Kung ikukumpara ko ang bilang ng mga nahuli kong hindi nagbibigay ng credit o hindi sumusunod sa aking TOS sa dami ng mga bisita ko, walang wala iyon sa kalingkingan nito. Kung magii-strike ako, para na ring iniinsulto ko sila dahil nagmumukhang pinagbibintangan ko silang nagbabalak na magnakaw o nagnakaw sa akin.
At ikaapat, hindi ako naniniwalang may patutunguhan ang strike na iyan. Alam ko namang kahit mawala man ang mga magnanakaw ngayon, meron pa ring susunod na henerasyon ng mga magnanakaw diyan. Isa itong walang-katapusang siglo ng buhay. Alam kong masyadong negatibo ang panananaw na iyon pero ganyan talaga ang life. Hindi mauubusan ng mga kontrabida. Sa Ingles, "lost cause" ang tawag.
Hrrmmm... Lahat na ba iyon? Wala na akong maisip e.
At meron ding nag-strike na hindi man lang pinaninindigan. Mga isang linggo lang daw sila magii-strike tapos babalik din daw sila. Hindi rin natiis. Hay. Siguro dapat may magpaliwanag sa kanya kung paano ginagawa ang mga strike. Natatapos lang ito pag may napagkasunduan na ang dalawang panig. Pero dahil mukhang mauuna pa siyang bumigay. Respeto daw ang hinihingi nila pero paano mo naman rerespetuhin ang ganoong klaseng tao na bulag na sumusunod sa mga nakararami tapos titigil din?
Merong ibang nagsasabi na ang mga taong hindi sang-ayon sa strike na iyan e ayos lang na manakawan. Hindi ganoon. Basahin uli ang aking mga dahilan at intindihing mabuti.
At sa totoo lang, hindi ko na rin pinapansin masyado yung mga hindi sumusunod sa aking TOS. Minsan, kung sinisipag ako, ine-email ko sila na bigyan ako ng credit o tanggalin nila ang ginawa ko sa kanilang site. Hanggang doon na lang. Kung hindi sila nakinig sa akin, bahala sila. Hindi ko na dinidibdib ang mga bagay na iyon. Iniisip ko na lang na kakarmahin sila balang araw. Sakit lang ng ulo ang hinahanap ko kung hahabulin ko pa sila. Basta masaya ako sa mga pinaggagagawa ko sa Blinding-Light.COM. Tapos.
Siguro nga nagkakasakit na ang mga taong iyon dahil ang daming hindi nakaka "appreciate" sa kanila. Kawawa naman. Kung ganyan ang pamamaraan nila sa pagharap sa kanilang mga problema sa internet, ano pa kaya ang gagawin nila kung meron silang problema sa totoong buhay? Magkukulong na lang ba sila sa kwarto at hindi na lalabas? Hay nako, hayaan na lang sila sa gusto nilang gawin. 'Yon lang ang masasabi ko. Bow.
Komento ni Lily
Sinulat noong 05.25.2006 6:11 NH
Nakaranas na rin ako nakawan ng istillo ng website ko at masakit yun para sakin dahil aking imahinasyon ang ninakaw nya pero ngayon naiintindihan ko na rin. Ako rin minsan nagnanakaw ng istillo dahil nagkakaroon ako ng "Designer's block" ...
pero hindi sagot talaga ang mag-strike ka dahil.. hindi rin mauubos ang mga magnanakaw eh. Tama ka, mas mabuting magsara na lang sila. Eh tayo naman ay..pampalipas oras man lang..O kaya, ibenta nila ang mga disenyo nila. Ang babaw naman yun...ano to...utang na loob?

Nakakandadong Artikulo
Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.