Kaunting Pagbabago

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.26.2006 10:15 NH
Kung mahahalata ninyo, lumapad ang Putak. Masyado kasi akong naliliitan sa dating ayos ng site na ito e. Iniisip ko rin na palakihin ang mga font pero saka na lang.

Tinagalog ko rin lahat ng links sa Putak. O, diba. Pilipinong-Pilipino ang dating Smiley: Grin.

At ngayon, meron lang kayong 1 buwan para makapag-komento sa mga pinutak. Kung lampas na isang buwan, hindi na pwede. Dahil kalalagay ko pa lang ng feature na iyon, pwede pa rin kayong magkomento sa mga lumang putak.

Maiba naman tayo. Kanina, inutusan ako ni Mudra na magbayad ng bills para sa credit card ni Pudra. Habang nakapila, binasa ko ang statement at nalaman kong ginamit ni Blitzwing ang kanyang credit card (binigyan kami ng extension ni Pudra) para bayaran ang kanyang membership sa Fitness First.

Ano ba 'yan! Nahihiya akong gamitin ang credit card ko para i-renew ang Self-Destruct.NET pero ito si bradear (brother dear) ginagamit iyon para lang sa pagpapa-gym. Hmph! I-renew ko na nga lang kaya yung SD gamit yung credit card ni Pudra. Heheh Smiley: Evil grin.

Sa ibang istorya, may kinaiinisan akong babaeh! Sobrang inis!!! Smiley: Blowing up in anger.

Pinagbintangan ba naman akong bastos (rude), nasty at backstabber. Pasensya na. Hindi ko alam ang Tagalog ng 2 iyon. Galit pa rin ako hanggang ngayon kaya magpapa-kalma muna ako bago ko ikwento.

Nagalit din ako sa aking host kahapon. Paano ba naman kase, nung nag-login ako sa cPanel at pumunta sa phpMyAdmin, nakita ko sa listahan ng mga database lahat ng mga kliyente ng host ko. Inisip ko naman, pag nakikita ko ang sa kanila, nakikita rin nila yung sa akin.

Siyempre, paranoid ako, bigla kong naisip na incompetent sila at hindi secure ang kanilang serbisyo.

Punta naman ako sa Client Center nila at nag-sumite ng support ticket. Pagka-submit ko ba naman, napunta ako sa 403 page. Ilang beses ko sinubukan pero hindi pa rin gumagana.

Sunod naman, punta ako sa forum nila at sinubukang mag-post ng topic tungkol dito. Akalain nyo ba namang napunta uli ako sa 403 page.

Click ko naman yung "Live Support" nila at mahuhulaan nyo ba kung ano nangyari pagkatapos kong i-fill up yung form? 403 page nanaman!

Ginawa ko, in-email ko sila at naggalit-galitan ako. Sino bang hindi magagalit? Puro 403 page ang napupuntahan ko. Bakit pa sila naglagay ng mga ganyan kung hindi rin naman ako pahihintulutang mag-submit ng aking mga alalahanin?!?

Nakuuuh! Nag-reply naman sila pagkatapos ng halos 6 na oras. Sabi nila, alam na raw nila ang problemang iyon at dahil iyon sa pag-upgrade ng Apache. At hindi raw nila kasalanan iyon dahil ito raw ay open-source na aplikasyon. Binigyan pa ako ng links sa forum kung saan ito pinag-uusapan.

Pasensya na ha pero hindi ako pumupunta sa mga forum na iyon e. Kung alam nyo naman pala, bakit hindi kayo mag post ng topic kung saan mababasa namin para hindi ako nagpa-panic at pinagbibintangan na kayo ang may kapalpakan?

Hmph! O, sige. Na-address na niya ang una kong problema. Paano naman yung mga 403 page? Ano na nangyari? Hindi nyo na ako babalikan tungkol don?

Dahil wala na akong dahilan para magsumite ng support ticket, hindi ko pa rin nasusubukan kung ayos na. Hay... Siguro maggagalit-galitan nanaman ako pag nangyari uli yon... Smiley: Snob.

Komento ni xian

Sinulat noong 06.03.2006 12:54 NU
abang nakapila, binasa ko ang statement at nalaman kong ginamit ni Blitzwing ang kanyang credit card (binigyan kami ng extension ni Pudra) para bayaran ang kanyang membership sa Fitness First.

Smiley: Smile.sa susunod natin na pagkikita marahil ay lalaking sexy na siya. sana nga. masaya naman ako na mabalitaan na ayos na ang pangangatawan ng kuya mo kaya pwede na siya mag-ehersisyo.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.