Nagpapalipas

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.27.2006 8:10 NH
Hay, nako. Sa totoo lang, nagpapalipas lang ako ng panahon. Meron kasing nagpapagawa sa akin ng disenyo para sa kanyang web site. Kaninang madaling araw ko lang natanggap ang mga litrato na gusto niyang gamitin ko dito pero tinatamad at hindi ako inspirado kay a puputak muna ako.

Nahahalata ko lang na napakaraming malalaswang tao sa mundo ngayon. Paano ko ito nasabi? Base ito sa mga bisita ng Putak. Alam nyo bang ang madalas na nakikita kong keywords para makapunta sila dito ay:

lalakeng sexy
mga larawan hubad ng babae
hubad blog
mga larawan ng hubad na lalake
pilipino porn site
mga hubad na babae sa internet
larawan ng hubad na filipina
hubad na larawan
katulong ko sexy
babae hubad
Bawal Na Ka Hubad
lalakeng hubad
bold na babae
filipina hubad na larawan
mga sexy na larawan
mga artistang sexy

At ang nakakatuwa pa rito, halos palaging nasa unang pahina ng Google ang Putak kung yung mga keywords na iyon ang gagamitin. Siguro dahil kaunti lang ang mga web site na salin sa wikang Tagalog at nababanggit din sa Putak ang mga salitang iyon.

Yung ikatlong nilista ko ang pinaka nakakatawa e. "Hubad blog"?!? Ano namang klaseng blog iyon? Blog na tungkol sa mga hubad? Hubad siya habang nagboblog? Ipaliwanag nyo nga sa akin. At ano naman kaya ang hinahanap ng taong nag-type ng "katulong ko sexy" sa Google. Pati ba naman mga katulong pagsasamantalahan?

Gusto ko lang linawin uli sa inyong lahat: wala akong balak maglagay ng mga hubo o hubad na larawan dito. Kung meron mang larawan na makikita dito na may sexy at artistahing babae at matipunong lalake, ito na iyon....

Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog


O, diba. Napakasaya kung katabi nyo si Hesus sa pang araw-araw niyong buhay!

Doon sa mga madalas ang pagbisita sa mga porn site, isang malaking kasalanan iyan na nabibilang sa lust. Magbago na kayo at humingi ng tawad sa Panginoon! Sige kayo, sa huli ang pagsisisi. Baka gumising na lang kayo diyan at magulat na nasusunog na pala ang kaluluwa nyo sa impyerno!

Kaya bumalik na kayo sa panig ng Diyos! Amen.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.