Sa Likod Ng Blinding-Light.COM

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.29.2006 2:14 NH
Mga bagay na hindi nyo alam tungkol sa Blinding-Light.COM...

Binili ko ang domain at hosting dahil wala akong magawa.
Isang araw, dahil sa kabagutan at pagkasabik sa domain name, naisipan ko na lang na bumili nito. Iniisip ko ng mga panahon na iyon, gusto ko, e di bibilhin ko. Binayaran ko lahat pati 1 taong hosting. Noong nabayaran ko na ang lahat at meron na akong domain at hosting, wala naman akong maisip na gawin dito.

Hindi naman talaga ako pala-imik (heheh, totoo) na tao kaya hindi ko iyon ginawang blog. Ang gusto ko talaga ay buhaying muli ang aking web site, [WAR] WebMasters' Anime Resource, pero syempre, hindi na bagay ang domain name doon. Kaya ang ginawa ko, e ni-recycle ang mga layouts na dati ko nang ginawa. Doon nagsimula ang Blinding-Light.COM.

Isa sa dahilan na ginawa ko ito ay para makapag-practice mag-code.
Dahil mangilan-ngilan lang ang mga libreng host na mayroong PHP at mySQL, naisipan kong doon na lang ako sa paid hosting para makapag-practice ako kung paano mag code. Learning by doing, ika nga.

Pampalipas ko ito ng panahon.
Tama. Ang pangunahing dahilan kung bakit ko iyon ginawa ay para aliwin ang sarili ko. Mabuti kung gusto ng mga tao ang mga pinaggagagawa ko sa aking site. Pero kung hindi, intindi ko namang you can't please everyone. Basta ako nasisiyahan sa mga ginagawa ko, at meron akong napagtutuunan ng pansin pag wala akong ginagawa, kontento na ako don.

Ang mga "updates" na dinadagdag ko ay matagal ko nang ginawa.
Sabi ko sa inyo, pampalipas ko lang iyon ng panahon. Kaya kung meron akong oras o inspirado ako o gusto ko lang, gumagawa ako ng mga layouts/brushes/templates/backgrounds o nagsusulat ng tutorial o nage-extract ng PNG. Pero hindi ko sila agad pino-post sa aking site. Minsan kasi hindi ko feel gumawa kaya iniipon ko lang sila at paisa-isa ako kung mag-post ng updates. Karamihan nga sa dinadagdag ko, ilang buwan na ang nakalilipas noong natapos ko silang gawin.

Kaya doon sa mga nag-aakalang napaka sipag ko dahil bawat linggo, nag-uupdate ako, haha. Ipagpatuloy nyo ang pag-iisip ng ganyan! Smiley: Sticks out tongue.

Ang Terms Of Use ay hindi ko mahigpit na pinapatupad.
Nandoon lang sila para sa pormalidad. Sa totoo lang, marami na akong pinalampas na tao na lumalabag sa aking Terms Of Use. Hindi ko na lang sila pinapansin. Hinahayaan ko na lang na karmahin sila. Sakit lang ng ulo kung aawayin ko pa sila e.

Komento ni Lily

Sinulat noong 07.07.2006 7:41 NH
ako...bumili ako ng domain at webspace kasi namurahan ako sa Mobilehive.com... isang dream ko na ang magkaroon ng pangalan sa internet...di pa ako marunong mag PHP nun...pero naisipan kong magaral na rin kasi sayang.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.