Ang Aking Baga, ATBP.
[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.21.2006 3:24 NU
Binabasa nyo ang blog ng babaeng may malinaw na baga. Nyahahahahah!
Natanggap ko noong Miyerkules ang magandang balita. Batiin nyo akoh! Sinabi sa akin ng aking doktor na wala na siyang nakikitang TB sa aking x-ray. Yay! Lalalalalaahhh... Pero ang sabi niya, hindi pa ako tuluyang magaling. Maaari raw na magka-relapse ako at bumalik ang TB kaya kailangan ko pa ring uminom ng 3 gamot tuwing umaga bago mag-almusal hanggang ika-7 ng Oktubre ngayong taon.
Pero, ang maganda rito, pwede na akong magtrabaho ng hindi nasasabit sa medical. Hay, nako. Grabe talaga ang kalungkutan ko nung sinabi ng unang doktor na tumingin sa akin na hindi ako makakapagtrabaho sa kumpanya nila dahil nga sa aking karamdaman. Heheh... Nakaraan na naman iyon. Ayaw ko munang magkomento tungkol sa trabaho. Sabihin na lang natin na sana malapit nah...
Sa mga sumusubaybay sa mga lugto ng aking buhay, maaalala nyo na merong 3 doktor na tumingin sa akin tungkol nga dito sa aking sakit. Buti na lang talaga at pinagpilitan ni Mudra na magkaroon ng ikatlong opinyon. Paano ba naman kase, yung unang doktor, hindi raw mukhang doktor. Yung pangalawa naman, hindi raw sya nagagalingan dahil palaging tumitingin sa kanyang libro tuwing nagrereseta ng gamot. Itong pangatlo yung mahusay.
Sabi kasi ni Ikalawa, pagkatapos ng 6 na buwan, wala na raw talaga ang TB at hindi na kailangang uminom ng gamot. Ang kay Ikatlo naman, pagkatapos daw ng 6 na buwan, maaaring magmukha na wala na raw TB pero napakadali raw mag-relapse. Konting lagnat lang daw, malaki ang posibilidad na babalik ito. Kaya sinabi niyang hanggang Oktubre nga ang pag-inom ko ng gamot imbes na hanggang ngayong Hulyo na lang.
Kita nyo yon. Kung hindi pala kame lumipat kay Ikatlo, may posibilidad na bumalik ang aking TB dahil hindi ako uminom ng gamot sa "relapse phase". Argh!
Masaya pa rin ako kahit may 240 na gamot pa akong iinumin simula ika-20 ng Hulyo. Pagkatapos kong uminom ng mahigit kumulang na 634 pills noong nakaraang 6 na buwan, wala na iyan sa aken!
At para hindi ko malimutan ang mga "paghihirap" ko sa pag-inom ng mga gamot na iyon, ililista ko ang mga araw na uminom ako ng gamot:
Ika-23 ng Enero - ika-26 ng Marso
5 pills tuwing umaga bago mag-almusal. Kay Ikalawa naman ito. Inisnab kasi namin yung nireseta ni Una. "Highly contagious" daw ako noong mga panahong ito. Hehe. Hindi naman ako masyadong naglalalabas pwera na lang nung pumunta ako ng Boracay kasama ang aking mga pinsan noong ika-11-13 ng Pebrero. Kaya kung meron man akong nahawaan sa Boracay, pasensya na. Hindi ko kasalanan na mahina ang resistensya nyo :P
Ika-27 ng Marso - ika-5 ng Abril
1 pill tuwing umaga bago mag-almusal. Hindi na ako nakakahawa. 10 araw lang dahil sobrang mahal ng nireseta ni Ikalawa (mga 40 Piso bawat tableta).
Ika-7 ng Abril - ika-19 ng Hulyo
3 pills tuwing umaga bago mag-almusal. Dito kami nagsimula kay Ikatlo. Higit na malaki ang iminura ng gamot (mga 10 Piso bawat tableta, di nakamura kami ng 10 Piso). May 1 araw na hindi ako nakainom dahil nakalimutan ko.
Ika-20 ng Hulyo - ika-7 ng Oktubre
3 pills tuwing umaga bago mag-almusal. Ito ang sinasabing "relapse phase" ni Ikatlo.
O, diba. Ang lakas ng aking atay! Pwera na lang sa aking mapulang ihi, wala man lang akong nararanasang masamang side effects. Sabi kasi ni Ikatlo, kung naninilaw daw ang mga mata ko o namamanhid ako o nawawalan ng gana, nagkakaproblema ang atay ko o nawawalan ako ng vitamin B. Hindi naman nangyayari sa akin ang kahit ano sa 3 iyon.
Ang nahahalata ko lang e parang humihina ang tiyan ko. Dati, kahit anong kainin ko, ayos lang. Kahit expired na mga delata, kinakain ko at wala lang iyon sa akin. Pero ngayon, naging sensitibo na ang aking tiyan. Kanina, kumain lang ako sa Pancake House ng spaghetti, clubhouse sandwich, iced tea at fudge brownie, nung matapos ako, parang ang sama ng tiyan ko. E, dati naman madalas akong kumain sa Pancake House na hindi nababahala sa mga bagay na iyan. Tapos, nung kumain ako ng tuna pasta ng Kenny Rogers noong isang linggo, sumama rin ang tiyan ko. O di kaya masama talaga ang preparasyon ng pagkain nila kaya ako nagkakaganyan.
Bumalik ka na sa dati mong katipunuan, tiyan ko... Miss na kita...

Komento ni xian
Sinulat noong 07.22.2006 8:39 NH
nttuwa akong marining na magaling na ang iyong atay. mabuti na lang at nagagamot naman talaga yan.
Ang nahahalata ko lang e parang humihina ang tiyan ko. sana naman ay bumalik na nga sa katipunuan ang tiyan mo, hndi ko mantakin isipin na malakas ka pala kumain dahil "spaghetti, clubhouse sandwich, iced tea at fudge brownie,"ang kaya mong ubusin sa Pancake House. sa lagay na yan ay wala ka man lang taba. bilib.
Komento ni Lily
Sinulat noong 07.25.2006 8:05 NU
ngayon lang ako ulit nakadalaw. pasensya. busy busy busy talaga ako.
Ako'y nagagalak sa resulta ng iyong pagsusuri ukol sa iyong karamdaman. Tama si mader, meron laging pangatlong opinyon. Alam mo bang pwede mo kasuhan ng "malpractice" ang 2 nagsuri sayo?
sige... hanggang dito na lang dahil may pagsusulit ako bukas.

Komento ni Mae
Sinulat noong 07.31.2006 2:47 NU
Binabati kita!!!
Buti naman at magaling ka na,sana magtuluy-tuloy na yan! ^_^

Nakakandadong Artikulo
Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.