Nagmamaganda

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.30.2006 12:32 NU
Bago ang aking putak, gusto ko lang sabihin na ang sayang magpa foot spa. Hehe. Parang gusto ko nang bumili ng foot file (di ko alam ang tamang termino pero para syang higanteng nail file) para makudkod ko ang makakapal na bahagi ng balat sa aking paa. Magpatuloy na tayo sa aking komentaryo...

Hindi ba kayo nakakahalata na ang daming taong nagmamaganda sa tabi-tabi ng internet? Reklamo sila ng reklamo na ang daming hindi sumusunod sa kanilang mga "Terms of Use" at naglalagay pa sila ng mga "Black List" at kung ano ano pang masasamang sinasabi sa mga nagkasala sa kanila. Pero kung sila naman, hirap ding sumunod sa "Terms" ng ibang web site.

Katulad na lang ng Extreme Tracking. Ito ang nakalagay sa kanilang "Terms and Conditions":
The Tracker-code has to be copied into the source of your page INTEGRALLY AND WITHOUT ANY CHANGES. Only then the tracking will be accurate. If you change the code eXTReMe digital shall have the right to suspend services. The button connected to the code must be placed in a VISIBLE way on your page and in the size as exposed below.

[Ilagay ang 41x38 pixels na logo ng Extreme Tracking dito.]
Malinaw na malinaw, hindi ba? Pero ang dami mong nakikitang web site na gumagamit ng serbisyo nila na ginagawang text link, iniiba ang litrato ng logo, pinapaliit ng 1x1 pixel ang logo, at iba pang hindi sang-ayon sa "Conditions" ng Extreme Tracking.

Mga hipokrito! Ang payo ko lang sa inyo, let he who has no sin cast the first stone. Mag-inarte lang kayo na maraming lumalabag sa inyong TOU pag kayo ay magaling din sumunod sa TOU ng iba. Tama lang iyon diba?

Komento ni isang magandang lalaki

Sinulat noong 08.08.2006 6:13 NU
ikaw bay nagpaparinig sa kapwa mo pilipino ? sapagkat sa aking nababasa tila itoy tagalog,. sa makatwid,.kapwa pilipino mo lang ang makakaintindi nito..
Pilipino lang ba ang gumagawa ng mga ganitong gawain?

Bakit di mo din isalaysay at isalin sa ingles at ng matamaan ang dapat matamaan.
Smiley: Sad. Smiley: Sad.

mahirap din ang di nakakaintindi ng tagalog hane?

Komento ni Miko Reznor

Sinulat noong 08.08.2006 10:53 NH
Ahahahahah! Kilala ba kitah? Parang may kakilala akong taong ganyan magsalita.

Hindi naman puro Pinoy ang pinapatamaan ko. Para sa akin, Pilipino ang superior na race at kung sino man ang may gustong makaintindi ng blog kong ito, sila ang gumawa ng paraan para mangyari iyon.

Dati na rin akong nagkaroon ng English na blog pero hindi ako nasiyahan. Mas maganda pa ring mag blog sa Tagalog Smiley: Wink.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.